PRIORITY HOUSING PROJECT NG PADILLA-ASCUTIA ADMINISTRATION NAKATAKDA NG UMUSAD MATAPOS LUMUSOT SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

CAMARINES NORTE (September 27, 2022) | Tuluyan ng uusad ang priority housing project ng Padilla-Ascutia administration ito ay matapos lumusot na sa Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang resolusyon na nag aawtorisa kay Gov Dong Padilla na pumirma at pumasok sa isang Memorandum of Understanding kasama ang Social Housing Finance Corporation (SHFC).

Ang priority housing project ng kasalukuyang administrasyon ay may layuning mabigyan ng disenteng tahanan ang mga nasasakupan nito lalo na ang mga informal settlers, magsasaka, empleyado ng gobyerno, mga nakatira sa hazard prone areas at mga kapus-palad.

Ang nasabing proyektong pabahay ay isasakatuparan sa pamamagitan ng community mortgage program sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at Social Housing Finance Corporation.

Ang Social Housing Finance Corporation at ang Provincial Government ng Camarines Norte ay nakatuon sa pagbibigay ng seguridad sa mga pamilyang informal settler sa lalawigan, kabilang ang mga nakatira sa mga mapanganib na lugar, mga daluyan ng tubig, at mga may banta ng pagpapalayas, kabilang ang mga sektoral na grupo na walang tirahan at kapus-palad.

Batay sa magiging kasunduan ay tutustusan ng Social Housing Finance Corporation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa socialized housing project initiative nito kasama ang lot acquisition, site development at house construction loan.

Samantalang ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na nag-aapruba sa prayoridad na proyekto sa pabahay ng Padilla-Ascutia administration ay isinulong ni Board Member Joseph Stanley Alegre at pinangalawahan nina Board Members Rodolfo Gache at John Carlo De Lima kasunod ang nagkakaisang pag-apruba ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan.

READ COPY OF SP RESOLUTION NO. 436-2022:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s