SPECIAL REPORT: MAHIGIT SA P759 MILYONG PROYEKTO NG DPWH AT PROV’L GOV’T NG CAMARINES NORTE EKSLUSIBONG NAKONTROL NG ISANG CONSTRUCTION COMPANY AYON SA MGA DOKUMENTO

CAMARINES NORTE (September 11, 2022) | Inilantad ng mga dokumento ang eksklusibong pagkontrol ng iisang construction company sa mga malalaking proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Provincial Government of Camarines Norte (PGCN).

Makikita sa mga dokumento na ang CENTERWAYS CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT, INC ang nakakuha sa tatlong (3) malalaking proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na ang pondo ay mula sa inutang  sa Development Bank of the Philippines (DBP) kung saan ito rin ang eksklusibong komontrol sa tatlo (3) pang malalaking proyekto naman na pinag-bidding ng DPWH.

Ayon sa dokumento ay magkakasunod na pinag-bidding sa Kapitolyo noong Agosto 18, Setyembre 15 at Nobyembre 17, 2020 ang mga proyekto na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) building sa Bagasbas Road na nagkakahalagang P149,962,440.70,
  2. Labo District Hospital Building na may halagang P99,975,609.96, at
  3. CNPH-Annex sa Sta Elena na nagkakahalagang P149,899,255.53.

Ang nasabing mga proyekto ay eksklusibong  nakuha ng Centerways Construction and Development, Inc bilang nanalong single bidder. Sa kabuuan, ang tatlong proyektong ekslusibong napanalunan ng nasabing kompanya sa tatlong magkakasunod na isinagawang bidding sa Kapitolyo ng Camarines Norte ay umabot sa kabuuang halaga na P399,707,995.75.

Samantalang noong Marso 9, 2021 magkakasabay na pinag-award ng DPWH Construction Division sa Centerways Construction and Development, Inc., ang tatlong (3) malalaking proyekto mula sa Camarines Norte, na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. Construction ng Diversion/By-pass Road ng Cory Aquino Boulevard sa Brgy Aguit-it, Vinzons, Camarines Norte na nagkakahalagang P102,434,124.17.
  2. Construction ng Diversion/By-pass Road ng Cory Aquino Boulevard sa Brgy. Bakal, Paracale, Camarines Norte na nagkakahalagang P128,508,196.76, at
  3. Construction ng Diversion/By-pass Road ng Cory Aquino Boulevard sa Brgy. Labnig, Paracale, Camarines Norte na nagkakahalagang P128,509,407.75.

Ang kabuuang halaga ng tatlong monopolyadong kontrata sa DPWH Camarines Norte ng Centerways Construction and Development, Inc ay umaabot sa total na P359,471,728.68. At kung pagsasamahin ang anim (6) na malalaking proyektong ekslusibong kinontrol ng nasabing kompanya mula sa Kapitolyo hanggang sa Department of Public Works and Highways ay umaabot  ito sa kabuuang halaga na P759,159,724.43 million pesos.

Batay sa mga hayag na karanasan sa mga transaksyon sa pamahalaan, nangyayari ang monopolyo sa mga transaksyon sa gobyerno dahil sa basbas o sa dikta ng source of power and authority.

Ang mga namumunong opisyal sa mga tanggapan ng pamahalaan na nakasasaklaw sa nasabing mga proyekto sa panahon ng isagawa ang bidding ay kinabibilangan nina Ex-Governor Edgardo Tallado sa Provincial Government ng Camarines Norte, Rep Josefina Tallado sa 1st District ng Camarines Norte at Engr Edwin Bermal sa DPWH Camarines Norte Engineering District.

Makikita naman sa mga sumusunod na link ang pagsapubliko ng DPWH tungkol sa mga iginawad na mga proyekto na may naaprubahang Badyet na P50M pataas, at ang ilang detalye ng mga balita hinggil sa pag-upo ni Engineer Edwin A. Bermal sa DPWH Camarines Norte Engineering District at ang pagpasok sa Loan Agreement ng Provincial Government of Camarines Norte at Development Bank of the Philippines na pinanggalingan ng pondo na ginamit sa mga proyektong ekslusibong napanalunan ng Centerways Construction and Development, Inc. mula sa Kapitolyo ng Camarines Norte:

July 13, 2021

DPWH Regional Office 5 Post Award Information with Approved Budget of P50M and Above

Nov 13, 2019

“Samantala, nangako naman ang bagong talagang D.E na si Engr. Edwin A. Bermal na itataguyod nito ang lahat ng tagubilin ng Kongresista ng Unang Distrito ng Camarines Norte,”

August 13, 2020

DBP bankrolls hospital projects in Camarines Norte

https://www.dbp.ph/newsroom/dbp-bankrolls-hospital-projects-in-camarines-norte/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s