SA LOOB NG 12 TAON WALANG APRUBADONG 10 YEAR SOLID WASTE MANAGEMENT PLAN ANG CAMARINES NORTE, PROVINCE WIDE PROBLEM SA BASURA MINANA NG ADMINISTRASYONG PADILLA AT ASCUTIA

CAMARINES NORTE (September 7, 2022) | Sa loob ng labing dalawang (12) taon sa pwesto ng nakalipas na administrasyon ay hindi ito nakapagpa-apruba ng 10 Year Solid Waste Management Plan sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) bilang pagtalima sa itinatadhana ng Republic Act  9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”

Simula ng maupo sa pwesto ang nakaraang administrasyon ng Pamahalaang Panlalawigan noong taong 2010 ay hindi nito naging priority ang pagpapatupad ng isang maayos, sistematiko at kumprehensibong pamamahala ng basura sa buong probinsya.

Noon lamang Pebrero 17, 2017, pitong taon matapos maluklok sa pwesto ang nakaraang administrasyon ay saka pa lamang nakapag-sumite sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ng 10-Year Solid Waste Management Plan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito naaprubahan ng komisyon.

Dahil sa bagsak na performance ng lokal na gobyerno simula sa Provincial Government ng Camarines Norte at dahil na rin sa pagkabigo na ipatupad ang ipinag-uutos ng RA 9003 ay nagpalabas na nang Closure at Rehabilitation Order ang DENR Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa mga dump sites ng 12 bayan ng lalawigan.

Resulta nito, ang mga basurahan ng bawat munisipyo noong 2019 ay makikita ang status batay sa ipinalabas na rehabilitation at closure order ng DENR-EMB at ito ay ang mga sumusunod:

DAET: Partially Closed at Subject for Full Closure and Rehabilitation;

MERCEDES: Closed, Undergoing Rehabilitation;

LABO: Subject for Closure and Rehabilitation;

VINZONS: Subject for Closure and Rehabilitation

BASUD: Subject for Closure and Rehabilitation

STA. ELENA: (2 Dump Site) 1-Subject for Closure and Rehabilitation and 2 Subject for Rehabilitation

CAPALONGA: (2 Dump Site) 1-Subject for Closure and Rehabilitation and 2 Subject for Rehabilitation

JOSE PANGANIBAN: Undergoing Rehabilitation

PARACALE: Undergoing Rehabilitation

SAN LORENZO RUIZ: (Household) Subject for Rehabilitation

SAN VICENTE: (Household) Subject for Rehabilitation

TALISAY: (Household) Subject to Submission of SWM Plan/Program

Sa kasalukuyan, sa loob lamang nang dalawang buwan sa pwesto ng Padilla at Ascutia administration ay sinimulan kaagad nito ang agarang pag-repaso ng Solid Waste Management Plan ng probinsya sa pamamagitan ng isang Atas Tagapagpaganap na nag-uutos sa rekonstitusyon ng Provincial Solid Waste Management Board (PSWMB) na pinamumunuan mismo ng Gobernador at ang mga pangunahing miyembro ay ang mga namumuno mula sa 12 bayan.

Kaugnay nito, ayon naman sa pinakahuling datos mula sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ay umaabot pa sa pitong (7) Solid Waste Management Plan mula sa Camarines Norte ang hindi pa aprubado at ito ay under evaluation pa ng Komisyon. Ang mga hindi pa aprubadong Solid Waste Management Plan ay pinangungunahan ng Provincial Government ng Camarines Norte, Basud, Capalonga, Mercedes, San Lorenzo Ruiz, Santa Elena at Talisay, Camarines Norte.

Samantalang aabot na sa anim (6) na mga Munisipyo ang aprubado na ang Solid Waste Management Plan batay sa datos na ipinalabas ng Secretariat ng National Solid Waste Management Commission, ang anim, na mga bayang ito ay kinabibilangan ng Daet, Labo, Jose Panganiban, Paracale, San Vicente at Vinzons, Camarines Norte.

SOLUSYON: Renewable Energy o Waste to Energy Project

Sa huli, upang bigyan ng solusyon ang problemang iniwan ng dating administrasyon, ay isang makabuluhang plano naman ang inumpisahan at pinag-aaralaan ng kasalukuyang administrasyon ni Gov. Dong Padilla at Vice Gov Joseph Ascutia na nakatakdang ipatupad para hindi na problemahin pa ng probinsya ang mga basura bagkus ito ay maging kapaki-pakinabang na industriya na maaaring makatulong sa pagpapa-angat ng ekonomiya tulad ng pagpasok ng teknolohiyang renewable energy o waste to energy project na ilang grupo na rin ang interesado at nakipag-ugnayan sa Gobernador tulad ng grupong Alterna Verde upang maisakatuparan ito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s