UTANG NG NAKARAANG ADMINISTRASYON NG PROV’L GOV’T  NG CAMARINES NORTE LOMOBO SA P1.959 BILLION AYON SA COA

CAMARINES NORTE (August 10, 2022) | Lomobo na sa halagang P1.959 bilyong piso ang pagkaka-utang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pagtatapos ng taong 2021 ayon sa inilabas na Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA).

Matatandaan na ang naitatalang utang ng nakaraang administrasyon ng Provincial Government ng Camarines Norte noong taong 2020 ay umaabot lamang sa halagang P1,573,823,561.67 billion pesos, subalit pagsapit ng taong 2021 ay mas lalo pa itong tumaas na umabot na sa kabuuang halagang P1,959,068,381.97 bilyong piso.

Ayon sa ipinalabas na Annual Audit Report ng COA na nagtatalakay sa financial condition ng probinsya kung saan ay nakapagtala ng dagdag na utang ang Pamahalaang Panlalawigan sa halagang P385,244,820.30 milyong piso para sa taong 2021 na naging dahilan sa paglobo ng utang ng Provincial Government  sa halagang P1.959 bilyong piso.

Magugunita na ang naturang 2 bilyong pisong inutang ng nakaraang administrasyon ay inilagay sa mga hindi napapanahong infrastructure projects katulad ng Hotel at Convention Center na ang pangunahing nakikinabang ay ang iilang kontratista na komopo ng karamihan sa mga proyektong mula sa utang.

Bagamat malaking hadlang sa bagong upong administrasyon ni Gov Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia ang kanilang minanang halos dalawang bilyong pisong pagkaka-utang ay positibo naman ang kanilang pananaw na kayang mai-angat ang ekonomiya at kabuhayan ng probinsya sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa na ang pangunahing makikinabang ay ang taumbayan. (The Fenix Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s