MAS PINALAWAK NA SAKLAW NG PROGRAMA SA EDUKASYON INU-UMPISAHAN NA NG PADILLA-ASCUTIA ADMINISTRATION

CAMARINES NORTE (August  2, 2022) | Inumpisahan ng palawakin ng administrasyon nina Gov Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia ang programang pang-edukasyon ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ay sa pamamagitan ng mas pinaraming beneficiaries ng Provincial Government College Educational Assistance Program (PGCEAP) na dati ay mahigit lamang sa 400 estudyante ang nakikinabang subalit ngayon ay pinalawak ito sa 3,000 mga estudyante sa koleheyo.

Kabilang rin sa mga programa sa koleheyo ay ang magkaroon ng Camarines Norte State College (CNSC) campus sa mga bayan ng Paracale at Capalonga, Camarines Norte upang ang mga estudyante mula sa nasabing dalawang bayan ay hindi na kailangan pang pumunta ng Daet para makapag-aral.

Ang hakbang na ito ay naging laman ng pagpupulong ni Gov Dong Padilla at ng ilang CNSC officials sa pangunguna ni CNSC President Marlo Dela Cruz ng dumalaw ang mga ito sa tanggapan ng Gobernador kung saan tinalakay ang mga isasagawang hakbang upang agarang masimulan ang proseso sa paglalagay ng CNSC extension campus sa Paracale at Capalonga.

Kabilang din sa mas pinalawak na programang pang edukasyon ay ang paglalagay ng TESDA na pinatatakbo ng LGU sa mga bayan naman ng Capalonga at Sta Elena. Ang TESDA o Technical Education And Skills Development Authority ay ang ahensya ng pamahalaan na inatasang mamahala at mangasiwa sa technical education and skills development ng mga mag-aaral sa Pilipinas.

At pang huli sa mas pinalawak na programang pang edukasyon ng Padilla-Ascutia ay ang pagsulong  ng education subsidy para sa mga nasa elementarya at senior high school na magbibigay ng suporta para sa gastusin sa uniporme, mga gamit at bayarin para sa miscellaneous at laboratory ng mga mag-aaral. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s