WASTE TO ENERGY PROJECT PLANONG GAWIN SA CAMARINES NORTE NI GOV PADILLA KATUWANG ANG PRIBADONG SEKTOR

CAMARINES NORTE (July 22,2022) | Iminungkahi kay Camarines Norte Governor Ricarte “DONG” Padilla ng Alterna Verde Corporation na gawin sa lalawigan ng Camarines Norte ang isang proyekto na makalilikha ng kuryente mula sa mga basura (Waste to Energy Technology).

Ang Alterna Verde ay nakatuon ang trabaho sa pagtulong sa paglikha ng enerhiya para sa mga tahanan at industriya mula sa mga renewable sources gamit ang mga makabagong teknolohiya na napatunayan ng nakababawas ng mga carbon emission na nagdudulot ng global warming at may higit na kahusayan sa pagbibigay ng pangmatagalang katipiran sa gastos sa kuryente.

Dahil sa alok ng Alterna Verde na isagawa sa probinsya ang isang waste to energy project ay binigyan ni Gov Dong Padilla ng tatlong lingo ang kompanya na pag-aralan o isailalim sa assessment ang  labindalawang (12) bayan ng probinsya kung sasapat ba ang volume ng basurang nalilikha 12 bayan para sa pagsasakatuparan ng proyektong maglilikha ng enerhiya mula sa basura.

Samantala, sa panayam naman ng Serbisyong Dekalibre sa kinatawan ng Alterna Verde ay sinabi nito na kung sakali ay magiging pang-anim ang lalawigan ng Camarines Norte sa mga lugar na mayroong existing waste to energy project ang kanilang kompanya. (The Fenix Channel)

PANOORIN ANG BUONG DETALYE, IBAHAGI AT MAG-SUBSCRIBE:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s