CAMARINES NORTE KABILANG SA MAGIGING KALAHOK SA PROGRAMANG “AGE FRIENDLY ENVIRONMENT” NG WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO)

CAMARINES NORTE (July 19, 2022) | Nakabilang ang lalawigan ng Camarines Norte sa isang programa ng World Health Organization (WHO) na maging kalahok sa isang lilikhaing modelo ng “Age-Friendly Environment” sa bansang Pilipinas.

Ang age friendly environment ay isang programa ng World Health Organization (WHO) sa buong mundo na lumilikha ng isang modelong komunidad na nangangalaga sa kapakanan ng mga nakatatanda at nagbibigay ng mga paraan kung saan maaaring suportahan ng mga komunidad ang mga matatandang naninirahan kasama nila.

Ayon sa WHO, ang paglikha ng mga kapaligiran na tunay na nangangalaga sa mga nagkaka-edad na mamamayan ay nangangailangan ng pagkilos mula sa maraming sektor, katulad ng mga sumusunod: Health, Long-term care, Transport, Housing, Labor, Social protection, Information and communication, at iba pang maaaring tumulong katulad ng Gobyerno, Service providers, Civil Society, Older people and their organizations, Families and friends. Kung saan ito ay nangangailangan din ng aksyon mula sa maraming antas ng gobyerno.

Kaugnay nito, ay nakipagpulong si Camarines Norte Governor Ricarte “Dong Padilla” sa pamamagitan ng zoom kay Dr. Jazmin Vergara ang Technical Officer at kinatawan ng World Health Organization Philippines, ganun din kay Commissioner Raymar Mansilungan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) at iba pang mga bumubuo ng Age Friendly Community upang itakda ang pagdalaw dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Samantala sinabi ni Gov Dong Padilla sa panayam ng Serbisyong Dekalibre ng Radyo Pilipinas Camarines Norte na tugmang-tugma ang nasabing programa ng WHO para sa kapakanan ng mga Senior Citizens dahil kabilang aniya ito sa mga priority programs ng Padilla-Ascutia administration. Katulad ng pagsasa-ayos ng Camarines Norte Provincial Hospital, pagpapataas sa income ng provincial government, mga relocation housing projects at lahat ng development at  housing development projects ay sisiguruhing age friendly at sa panghuli ay ang pagtatayo ng Home for the Aged sa lalawigan ng Camarrines Norte. (The Fenix Channel)

PANOORIN ANG BUONG DETALYE AT PAHAYAG NI CAMARINES NORTE GOVERNOR RICARTE “DONG” PADILLA:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s