PLANONG PAGTAYO NG CAMARINES NORTE GENERAL HOSPITAL SINIMULAN NA NG PADILLA-ASCUTIA ADMINISTRATION SA PAMAMAGITAN NG PAGLIKHA NG PROJECT TECHNICAL WORKING GROUP (PTWG)

CAMARINES NORTE (July 18, 2022) | Inumpisahan na ng Padilla -Ascutia administration ang seryosong trabaho para sa pagpapatupad ng planong pagtayo ng Camarines Norte General Hospital na ilalagay sa Sitio Mat-i, Barangay Sto Domingo, Vinzons, Camarines Norte, sa pamamagitan ng pagpalabas ng kautusan ng Gobernador na naglilikha sa Project Technical Working Group (PTWG).

Binanggit sa memorandum ni Gov Dong Padilla na dahil sa kanilang hangarin na maihatid ang mataas na antas ng pagsilsilbi sa taumbayan at sa medikal na mga pangangailangan ng mamamayan, ay kanilang inorganisa ang isang Project Technical Working Group (PTWG)
na magta-trabaho para sa paghahanda sa pagpapatupad ng proyektong Camarines Norte General Hospital. Kabilang sa mga bumubuo ng Technical Working Group ay ang mga sumusunod:

Ang Team Leader ay isang Environmental Planner sa katauhan ni Uzziel C. Malagueño – Economist III mula sa tanggapan ng PPDO/PENRO.

Samantalang ang mga myembro ng PTWG ay kinabibilangan Nina:

1. Dr. Arnel H. Francisco mula sa PHO, CNPH
2. Dr. Jose Vernon A. Banal, Chief ng Labo District Hospital
3. Dr. Walter Randolph C. Jalgalado, dating Provincial Board Member
4. Glenda T. Asutilla – Nurse III mula sa Labo District Hospital
5. Engr. Samson C. Largo – Asst. Prov’l Engr mula sa Prov’l Engineers Office
6. For/EnP. Teodoro L. Licarte – Planning Officer IV ng PPDO
7. Engr. Kevin Alermo ng PEO
8. Engr. John Arwin O. Gadil – REE, PEO
9. Arch. Ailyn Arcilla – Architect I, PEO
10. Mr. Napoleon B. Fajardo mula sa PEO
11. Mr. Armin Flores mula sa Prov’l Assessors Office

At ang mga Support Staff naman ay kinabibilangan nina:

1. Dina Baleza ng PPDO
2. Christopher Salvador T. Obra-Sr mula sa EMS, PENRO
3. Salvador Delos Santos ng PBO
4. Lilian Y. Rafon – MAA IV, mula sa Provincial Accounting Office

Bilang mga miyembro ng Project Technical Working Group, ang mga nabanggit na personalidad ay inaatasan na magpulong at maghanda ng isang komprehensibong profile ng proyekto o pre-feasibility at ihanda ang lahat ng kinakailangang dokumento upang mapadali ang pagpapatupad ng proyekto.

Karagdagan pa sa kautusan ay ang dapat na isagawang regular na pag-uulat ng Technical Working Group sa tanggapan ng Gobernador para sa lahat ng updates at feedbacks ng proyekto. (The Fenix Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s