MALINAW NA PANININDIGAN NG PADILLA-ASCUTIA ADMINISTRATION HINGGIL SA PAGSAPRIBADO SA SERBISYO NG WATER DISTRICT IPINAHAYAG

CAMARINES NORTE (July 11, 2022) | Malinaw na paninindigan ng Padilla-Ascutia administration hinggil sa pagsasapribado sa serbisyo ng Camarines Norte Water District (CNWD) na ipinatupad sa nakalipas na administrasyon ipinahayag ni Camarines Norte Governor Dong Padilla.

Kung saan, sinabi ng Gobernador na kanilang hihilingin sa Sangguniang Panlalawigan na repasuhin ang Joint Venture Agreement (JVA) o kontrata na pinasok ng CNWD at PRIMEWATER.

Ayon kay Gov. Padilla ay ramdam niya ang sentimyento ng mga konsumidores na hindi masaya at maligaya sa hindi maayos na serbisyong nararanasan mula sa PrimeWater. Idinagdag ng Gobernador na hindi lamang umano ang Camarines Norte ang nakakaranas ng hindi magandang serbisyo kundi halos lahat aniyang bayan at siyudad na nasa ilalim ng PrimeWater.

Inulit din nito ang kanyang sinabi na kailangang repasuhin ang kontrata sa pagitan ng CNWD at PRIMEWATER, kung saan nagtakda na ng araw ang Gobernador sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng CNWD at PrimeWater upang personal na kausapin at tanungin ang mga ito kung ano nga ba talaga ang problema kung bakit hindi nagiging maayos ang suplay ng tubig.

Sa huli, ipinukol ng Gobernador ang kanyang simpleng tanong, na kung hindi talaga kaya ng PRIMEWATER na ayusin ang serbisyo nito, ay baka naman pwedeng ibalik na lang muli sa Camarines Norte Water District dahil maaaring maging mas maganda pa ang performance nito. (The FENIX Channel)

PANOORIN ANG BUONG PAHAYAG NI CAMARINES NORTE GOVERNOR RICARTE “DONG” PADILLA: https://youtu.be/p7owK2ljJNk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s