DAHIL BAON SA BILYONG PISONG UTANG MAGDODOBLE SIPAG ANG GOBERNADOR AT BISE GOBERNADOR SA PAGHAHANAP NG PONDO PARA SA MGA PROGRAMA AT PROYEKTO NG KAPITOLYO

CAMARINES NORTE (July 10, 2022) | Dahil baon sa halos isa at kalahating bilyong pisong (P1.5B) pagkakautang na minana sa nakalipas na administrasyon ay magdodoble sipag sina Camarines Norte Gov Dong Padilla at Vice Gov Joseph Ascutia sa paghahanap ng pondo para sa mga programa at proyekto ng Kapitolyo.

Kung saan sinabi nito na mag-iikot sila sa DPWH, Department of Agriculture, Department of Tourism, at sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na maaaring mapagkunan ng pondo tulad ng Office of the President at sa tulong na din aniya ng sariling senador ng Camarines Norte na si Senator Robin Padilla.

Sinabi rin ng Gobernador bilang kasagutan sa tanong ng media sa ginawang Press Briefing matapos ang ginawang inaugural session ng Sangguniang Panlalawigan, na wala silang magagawa kundi ang bayaran nila ang minanang utang.

Siniguro pa ni Gov. Dong Padilla na makatitiyak ang mamamayan na ang lahat ng magagandang proyekto ni Ex-Governor Tallado ay kanilang ipagpapatuloy, kailangan lamang anyang siguruhin na ang pinaglaanan ng pondo mula sa utang ay napunta sa maayos. (The FENIX Channel)

PANOORIN ANG BUONG PAHAYAG NI GOV PADILLA SA GINAWANG PRESS BREIFING: https://youtu.be/w_NAG7YbGqg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s