MENSAHE NG PAGBUBUKAS PAG-ASA AT PAG-UNLAD NA INILAHAD NI CAMARINES NORTE GOV RICARTE “DONG” PADILLA SA KANYANG INAUGURAL MESSAGE PATULOY NA UMAANI NG SUPORTA

CAMARINES NORTE (July 3, 2022) | Bumuhos ang suporta at patuloy na umaani ng positibong reaksyon ang inilahad na mensahe ng pagbubukas pag-asa at pag-unlad ng bagong halal na Gobernador ng Camarines Norte na si Governor Ricarte “Dong” Padilla sa harap ng libo-libong mga dumalo sa isinagawang Oath Taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng probinsya sa Camarines Norte Agro Sports Center kamakalawa.

Sinalubong ng masigabong palakpakan ang pambungad na pahayag ng Gobernador na pagbibigay ng kasiguruhan sa kanilang papel na gagampanan kasama ni Vice Governor Joseph Ascutia, na sila ang magiging tagapagtanggol ng bawat mamamayan lalong-lalo na ang mahihirap na kababayan.

Tiniyak din nito na mayroong pang pulitiko na katulad niya, na nakakaalala sa mga ipinangako sa nagdaang eleksyon, kung saan inisa-isa ng Gobernador ang mga programang kanyang tututukan, ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. Pagbigay solusyon sa problema sa hanapbuhay.
  2. Pagsulong  ng education subsidy para sa mga nasa elementarya at senior high school na magbibigay ng suporta para sa gastusin sa uniporme, gamit at bayarin para sa miscellaneous at laboratory ng mga mag-aaral. Kabilang din ang pagtutulungan upang magkaroon ng CNSC campus sa Paracale at Capalonga at LGU run TESDA sa Capalonga at Sta Elena.
  3. Pagsasayos ng serbisyo ng Provincial Hospital at pagtayo ng Camarines Norte General Hospital.
  4. Pagsasa prayoridad sa suplay ng tubig sa buong probinsya.
  5. Pagsulong ng mga proyekto para sa maayos na suplay ng kuryente katulad ng renewable energy power plant, hydroelectric power plant, liquefied natural gas power plant, at malawakang pag-aaral upang makapagpatayo ng wind mill energy.
  6. Pagpapalakas ng turismo sa tulong ng Department of Tourism at sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na byahe ng eroplano sa Camarines Norte.
  7. Isusulong ang malawakang minahang bayan upang matulungan na maging legal ang hanapbuhay ng mga manggagawa sa small scale mining industry.
  8. Computerization ng Provincial Government upang makahabol ang Pamahalaang Panlalawigan sa makabagong teknolohiya.
  9. Pagsasaayos ng Quarry Operations sa pamamagitan pagsuspinde sa lahat ng operasyon upang bigyang daan ang evaluation at assessment sa mga quarry operations.
  10. Pagrepaso ng Tax Ordinance upang mapataas ang income ng probinsya.
  11. Pagtipid sa konsumo ng kuryente sa pamamagitan ng paglalagay ng solar panel.
  12. Pagsuspinde sa ordinansang nag-oobliga sa mga tour operators na sa bawat biyahe patungong Calaguas ay dapat manggaling sa San Jose Talisay Wharf.
  13. Pagpapalakas ng Provincial Price Control Council upang aktibong e-monitor ang presyo ng lahat na basic commodities.
  14. Paglaban sa fuel cartel sa lalawigan ng Camarines Norte.
  15. Pagpapahinto ng Sanitary Landfill project sa San Vicente dahil sa ang bayang ito  ay source ng inuming tubig.
  16. Paghanap ng malilipatan ng Provincial Jail.
  17. Paglagay ng programang “Text mo si Gob” upang maging access ng mamayan sa kanilang mga sumbong at suhestyon,
  18. Pagsulong ng Command Center para sa paglalagay ng Provincial Rescue 911.
  19. Pagdismantle ng Governor’s Task Force.
  20. Sa isyu ng illegal fishing walang dapat bayaran kahit ano ang mga boli-boli operators bastat sa tamang lugar sila mangingisda.

Sa dakong huli ay nakiusap si Gov. Dong Padilla sa kanyang mga kapwa lingkod bayan na magkasundo at magkasama-sama sa pagsakatuparan ng maayos na paglilingkod sa bayan. (The FENIX Channel)

Watch the full content of the inaugural message of Camarines Norte Gov. Dong Padilla: https://youtu.be/1pPGZDlQe8U

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s