TWENTY PERCENT (20%) WATER RATE INCREASE NG PRIME WATER-CAMARINES NORTE, UMAANI NG BATIKOS AT PAGKONTRA MULA SA MGA KONSUMIDORES

CAMARINES NORTE (May 28, 2022) | Umaani ng mga batikos at matinding pagkontra mula sa mga kunsumidores ang inanunsyong pagtaas ng 20 porsiyentong dagdag singil sa tubig na ipatutupad ng Primewater Camarines Norte simula ngayong buwan ng Hunyo.

Batay sa ipinalabas na anunsyo ng Primewater Camarines Norte ang nasabing 20% na dagdag singil sa kunsumo ng tubig ay ipapatupad sa nakunsumo sa buwan ng Mayo at sisimulan itong singilin umpisa ngayong darating na buwan ng Hunyo mula sa mga kunsumidores ng tubig.

Ang dagdag pahirap sa taumbayan na pagtaas singil sa taripa ay batay umano sa inaprubahang  CNWD resolution number 011 series of 2022, na ang mga nag-aprubang miyembro ng Board of Directors ay pawang appointed ng outgoing administration sa probinsya ng Camarines Norte.

Ayon sa komentaryo ng mga kunsumidores ang pagtaas na ito ng taripa ng singil sa tubig ay isang hakbang aniya upang bawiin sa taumbayan ang mga ginastos sa nakaraang halalan ng mga pulitikong nasa likod ng pribadong kompanyang beneficiary ng pagsasapribado ng serbisyo ng Camarines Norte Water District mula sa basbas ng ilang opisyal mula sa kapitolyo ng Camarines Norte.

Sinabi pa ng mga nagrereklamong mga konsumidores ng Primewater-Camarines Norte, ay hindi umano napapanahon ang pagpapatupad ng dagdag singil sa tubig dahil sa hindi pa nakakabangon ang kabuhayan ng mga mamamayan dulot ng pandemiyang naranasan ng mamamayan.

Ito ay bukod pa umano sa usapin na hindi maayos ang serbisyo ng Primewater na matagal nang inirereklamo simula ng ibigay ng Kapitolyo at Camarines Norte Water District sa pribadong kompanyang Prime Water na pag-aari na pamilyang Villar ang serbisyo ng CNWD.

Binanggit sa hinaing ng mga kunsumidores na mahina hanggang sa walang buhos ng tubig ang matagal na nilang nararanasan simula ng ilipat sa Prime Water ang pagpapadaloy ng tubig sa kanilang mga gripo. Ang mga lugar na araw-araw nakakaranas ng palpak na serbisyo ay ang mga consumers mula sa mga bayan ng Labo, Vinzons, Mercedes at ilang service area ng Daet, Camarines Norte.

Sa huli, nanawagan ang mga kunsumidores sa papasok na bagong pamunuan sa Provincial Government ng Camarines Norte na repasuhin ang pinasok na Joint Venture Agreement ng CNWD at Prime Water sa pahintulot ng outgoing Tallado administration.

Samantala, isang namang Board of Director ng CNWD sa katauhan ni Atty. Freddie Venida ang nagbabalak na maghain ng isang petisyon sa Senate Blue Ribbon-Committee sa layuning ipawalang bisa ang Joint-Venture Agreement (JVA) at maghain ng Anti-Graft complaint sa Ombudsman laban sa kung sinuman na mga sangkot sa transaksyon, hinikayat din ng abogado ang publiko o sinumang interesado na sumama at sumuporta sa layuning ito para sa pangkalahatang interes ng ng publiko. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s