SPECIAL REPORT: IMBISTIGASYON NG OMBUDSMAN NAGBIGAY LINAW SA MGA LUMALABAS NA FAKE NEWS HINGGIL SA ISYU NG FERTILIZER FUND SCAM SA CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE (May 7, 2022) | Ayon sa mga dokumento mula sa tanggapan ng Ombudsman, simula noong 2013 ay nagsagawa na ng imbistigasyon hinggil sa Fertilizer Fund Scam ang binuong Task Force Abono mula sa Field Investigation Office ng tanggapan ng Ombudsman.

Batay sa dokumento ay walang inimbistigahan na pamilya ng mga Unico sa transaksyon ng Fertilizer Fund Scam sa probinsya ng Camarines Norte, kung saan ang totoong mga inimbistigahan na sangkot dito sa probinsya ay ang ilang empleyado ng Kapitolyo at Munisipyo ng Talisay na hanggang ngayon ay hindi nakakuha ng retirement benefits dahil sa nakitaan ng Ombudsman ng probable cause kaya’t  nasampahan ng kaso sa Sandigan Bayan. Kabilang din sa sinampahan ng kaso ay ang dating Alkalde ng Talisay, Camarines Norte na ngayon ay tumatakbong Bokal sa ilalim ng grupong “Team Gaba”.

Sa patuloy na imbistigasyon ng Task Force Abono ng Ombudsman nakita nila sa mga dokumento mula sa mga transaksyon ng Fertilizer Fund sa probinsya ng Bohol sakop ng Department of Agriculture- Region 7 ang mga sumusunod na pangalan:

  1. Eduardo B. Lecciones, DA Regional Executive Director,
  2. Reinero B. Zeta, Administrative Officer V,
  3. Merle E. Lababit, OIC Regional Accountant, lahat mga kawani mula sa Department of Agriculture Regional Field Unit VII.
  4. Julie Ann G. Unico, President and Incorporator’
  5. Annie Tan,
  6. Renato C. Ornopia,
  7. Annabelle E. Luy, all representatives of Ikaw at Ako Foundation, Inc.

Batay sa imbistigasyon ang Probinsya ng Bohol ay nagkaroon ng transaksyon sa Ikaw at Ako Foundation noong May 20, 2004 sa halagang P5million pesos.

Nang lumitaw sa mga dokumento ang pangalan ng isang Julie Ann G. Unico sa transaksyon ng Fertilizer Fund sa probinsya ng Bohol ay nagkaroon ito ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang panig sa tanggapan ng Ombudsman.

Sa naging paliwanag sa Ombudsman ni Gng. Unico ay sinabi nito na kaylanman ay hindi siya nagkaroon ng transaksyon sa probinsya ng Bohol at kahit saan mang probinsya at maging sa Department of Agriculture-Regional Field Unit VII. Sinabi din nito na hindi niya kilala ang mga opisyal ng Deprtment of Agriculture sa Region 7 at hindi rin niya kilala kung sino sina Annie Tan, Renato C. Ornopia at Annabelle E. Luy na lumitaw sa mga dokumento bilang representatives ng Ikaw at Ako Foundation, ayon kay Gng. Unico ay hindi naging myembro, may-ari o representatives ng Ikaw at Ako Foundation ang naturang mga personalidad.

Ayon pa kay Gng. Unico, ang Ikaw at Ako Foundation ay nabuo upang isulong ang mga livelihood projects, pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan ng Camarines Norte.

Batay naman sa mga ebidensya na isinumite ni Gng. Unico sa Ombudsman ay nakita dito, na siya ay hindi kailanman nagkaroon ng transaksyon sa Bohol at  DA-RFU VII, at nakita rin na ang mga dokumentong isinama ang kanyang pangalan ay pawang mga pekeng dokumento at ang kanyang pirma ay pawang mga peke rin.

Lumabas din sa imbistigasyon ng Ombudsman, na ang Ikaw at Ako Foundation “ay hindi na aktibo” mula pa noong 2003, samantalang ang transaksyon sa Feltilizer Fund Scam na nakita sa mga dokumento mula sa Bohol ay naganap noong taong 2004 kaya’t magiging imposible aniya para sa Ikaw At Ako Foundation na gawin ang transaksyon.

Dahil dito ang tanggapan ng Ombudsman ay nagpalabas ng Dismissal Order noong October 22, 2019.

BASAHIN ANG ISINASAAD SA DISPOSITVE PORTION:

          WHEREFORE, the Motions for Reconsideration of public respondent-movants Reinerio B. Zeta and Merle L. Lababit are hereby granted, and the charge against them for violation of Republic Act No. 3019 is DISMISSED for lack of probable cause.

The charge against public respondent Eduardo B. Lecciones, upon review by this Office, is likewise DISMISSED for lack of probable cause.

The charge against private respondents Julie Anne G. Unico, Annie Tan and Annabelle E. Luy, also upon review of this Office, is DISMISSED for lack of jurisdiction.

The dismissal of the charge against private respondent Renato C. Ornopia remains.

          SO ORDERED.

Sa ngayon, kung may lumalabas man aniya na mga FAKE NEWS ngayong nalalapit na halalan ay kagagawan ito ng mga mapanira at desperadong mga pulitiko.

MAPATUTUNAYAN BATAY SA MGA DOKUMENTO MULA SA TANGGAPAN NG OMBUDSMAN, NA HINDI KAILANMAN NASANGKOT AT WALANG NAGING KASO SA ANUMANG TRANSAKSYON HINGGIL SA FERTILIZER FUND SCAM SI CAMARINES NORTE CONGRESSMAN RENATO “KUYA JOJO” UNICO JR.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s