“UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE”,  PAANO NGA BA NAGING BATAS ANG REPUBLIC ACT 11399?

CAMARINES NORTE (May 4, 2022) | HOUSE BILL FILING: Sa unang araw pa lamang ng pag-upo ni  Camarines Norte 1st District Rep. Renato “Kuya Jojo” Unico Jr., ay agad nitong isinulong ang House Bill No. 637 noong June 30, 2016.

Kinalaunan, noong September 18, 2017 makalipas ang mahigit isang taon ay isang kongresista rin ang nagsulong ng House Bill No. 6416. Subalit ang pagsulong nito ay hindi na nasundan pa ng pagkilos.

Noong December 12, 2018, isinumite ng House Committees on Higher and Technical Education, Appropriations, at Ways and Means Committee ang COMMITTEE REPORT NO. 1035 na nagrerekomenda ng approval ng Mother House Bill No. 8800 bilang kapalit ng House Bill No. 637 at House Bill No. 6416.

INVITATION: Noong January 30, 2019 inimbitahan na para sa isasagawang Joint Public Hearing ng Senate Committee on Education, Arts and Culture si Camarines Norte 1st District Congressman Renato J. Unico Jr, na siyang principal author ng House Bill No. 637 na pinag-renumbered bilang House Bill No. 8800, ito ay ang panukalang batas na nagko-convert sa Camarines Norte State College (CNSC) bilang State University na tinawag ng University of Camarines Norte (UCN).

AGENDA: Makikita sa mismong agenda ng joint public hearing ng Kamara at Senado, malinaw na isinasaad sa item number 4 ng agenda ay ang House Bill No. 8800 nakalagay bilang principal author si Camarines Norte Congressman Renato Unico Jr.

DELIVERATION: Ang mga naganap sa joint public hearing ay mapapanood sa video coverage ng pagdinig, at walang ibang makikitang kongresista ng Camarines Norte na inimbitahan, dumalo at nagdepensa sa deliberasyon kundi si Cong. Renato “Kuya Jojo” Unico Jr.

PANOORIN ANG BAHAGI NG APPROVAL NG UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE SA NAGANAP NA DELIBERASYON NG KAMARA AT SENADO:

Facebook: https://fb.watch/cO4aiDzOeS/  

YouTube: https://youtu.be/DbasSzIaFrA

CONGRESSMAN RENATO “KUYA JOJO” UNICO JR., AMA NG UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE…

MGA DUMALO SA JOINT PUBLIC HEARING:

  1. Congressman “Kuya” Jojo defended HB 8800/“An Act converting the Camarines Norte State College (CNSC) in the municipality of Daet, Camarines Norte into a State University to be known as the University of Camarines Norte (UCN)
  • Senate hearing presided by Senate Committee on Education Chairman Senator Chiz Escudero
  • With Senate Majority Leader Migs Zubiri.
  • Also in attendance were CHED Commissioner Prospero De Vera
  • and CNSC President Dr. Rusty Abanto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s