DAHIL SA MARAMING BATAS NA NAISAKATUPARAN NA PINAKIKINABANGAN NA NG MAMAMAYAN, BUONG TIWALA AT SUPORTA NG SEGUNDO DISTRITO IBINIGAY NA KAY KUYA JOJO UNICO

CAMARINES NORTE (May 2, 2022) | Dahil sa maraming batas na naisakatuparan na pinakikinabangan na ng mamamayan ay ipinaramdam na ng mga taga segundo distrito kay 2nd District aspiring Congressman Kuya Jojo Unico ang kanilang buong tiwala at suporta.

Ang mga larawan ng buong tiwala at suporta  ay makikita sa mga nakangiting mukha ng patuloy na dumadaming suporta mula sa ibat-ibang Barangay ng pitong (7) bayan sa ginagawang pag-iikot ni Kuya Jojo Unico.

Pinuri ng taumbayan si Kuya Jojo dahil sa mga makabuluhang batas na kanyang naisabatas sa Kongreso na kinabibilangan ng Republic Act 9257, Republic Act 9449, Republic Act 11180, Republic Act 11195 at ang Republic Act 11399.

Nangunguna sa mga accomplishments ni Kuya Jojo ay ang  Republic Act 9257 o ang batas na kilala bilang “An Act Granting Additional Benefits and Priviliges to Senior Citizens.” Ito ay isinulong ni Cong. Unico noong 12th Congress nang siya ay kinatawan ng Lone District ng Camarines Norte at ganap na naging batas ito noong February 26, 2004.

Sinundan ito ng Republic Act 9449 o ang batas na lumikha ng karagdagang sangay ng Municipal Trial Court sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Ang RA 9449 ay naipasa noong 13th Congress at ganap na naaprubahan bilang batas noong May 15, 2007 bilang kinatawan ng Lone District na Camarines Norte si Cong. Jojo Unico. Ito ay isinabatas sa layuning mapabilis ang mga kasong nakabinbin sa hukuman.

Kasunod nito ay ang Republic Act 11180 o ang Athletic Programs Reports Act, na isinulong at naaprubahan noong January 3, 2019 bilang kinatawan si Cong. Jojo Unico ng 1st District ng Camarines Norte. Ang layunin ng batas na ito ay para sa pagpapaunlad ng Youth and Sports Development program at mabigyan ang mga atletang lalaki at babae ng pantay na pagkakataon na makatanggap ng wastong pagsasanay at lumahok sa mga aktibidad at kompetisyon sa palakasan.

Dahil sa taglay na sipag ni Cong. JoJo Unico, noon din 17th Congress ay ganap rin niyang naisabatas ang Republic Act 11195 o ang batas para sa pagtatayo ng isang district hospital sa bayan ng Santa Elena, Camarines Norte, ito ay ang Santa Elena District Hospital. Isang batas na makatutulong para mabigyang suporta ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.

At dahil sa walang kapagurang dedikasyon para matulungan ang mga kabataan at mga magulang at upang mas maitaas pa ang antas ng edukasyon sa lalawigan ng Camarines Norte ay walang humpay din na pinag-pursigihan ni Cong. Jojo Unico na maipasa at maisabatas ang Republic Act 11399 ang batas na nagtatatag ng University of Camarines Norte.

Dahil dito, binigyang diin ng mga taga Segundo Distrito na ang kanilang pagbuhos ng suporta kay Kuya jojo Unico ay dahil sa maraming mga batas na naipasa nito na ngayon ay pinakikinabangan na ng mamamayan. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s