MGA PROGRAMA AT BATAS NA MAGPAPALAKAS SA AGRIKULTURA PRAYORIDAD NG AKO BICOL PARTYLIST

CAMARINES NORTE (April 6, 2022) | Ang Bicol Region ay isang Agricultural Region kung saan 60% to 70% ng rice production ay nanggagaling sa rehiyon kaya’t binibigyan nila ng sobrang importansya ang agriculture sector ayon kay Atty. Jil Bongalon, 2nd Nominee ng Ako Bicol Partylist.

Kabilang sa mga gagawin ng Ako Bicol Partylist ay ang pag-review sa mga existing laws na dapat ay sumusuporta sa mga programang pang-agrikultura.

Hinihikayat rin ng Ako Bicol Partylist ang young generations na pumunta sa pagsasaka, dahil hindi lang umano problema sa ayuda at suporta ang kinakaharap ng sakahan ngayon kundi ang isang malaking problema sa agrikultura ay matatanda na ang kasalukuyang mga magsasaka at wala na sa kanilang sumusunod na henerasyon ng mga agriculturist o farmers.

Kaya naman ayon kay Atty. Jil Bongalon, ay nais nila na magpasa ng isang batas na magbibigay ng subsidy o tulong na pera o kaya ay assistance at scholarship sa mga kabataan na gustong kumuha ng mga kursong may kaugnayan sa pagsasaka dahil kailangan aniya ngayong palakasin ang agrikultura sapagkat ito ang number one na bumubuhay sa mamamayang Bicolano. (The Fenix Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s