GOOGLE TREND PREDICTS LENI ROBREDO’S VICTORY

GOOGLE TREND (April 7, 2022) | Sa Pilipinas ang bilang ng mga netizens na gumagamit ng internet bilang pangunahing mapagkukunan ng impormasyon ay umaabot sa 92.1 milyon at ang mga ito ay miyembro ng kahit isa sa mga social media platform katulad ng Facebook, Twitter, Instagram, YouTube at iba pa.

Upang malaman ang trend ay may ibang approach ang Google. Ito ay sa pamamagitan ng mga searches o paghahanap. Sa buong mundo ay mayroong 4.2 bilyong pang-araw-araw na searches sa Google at dito nanggagaling ang mahahalagang datos upang makita ang mga voter preferences.

Ang Google account ay mayroong 80% na mga searches sa buong mundo. At dahil sa pangingibabaw nito, nagiging basehan ito sa pagkaka-identifed kung ano ang mga interes o ginugusto ng mga populasyon na nag-engage sa Google searches.

Sa pamamagitan ng pagbibilang sa mga searches at sa mga ginagamit na keywords ay nagagawa ng Google na makita ang mga trend. Sa pangkalahatan, ang kandidato na mas hinanap ang pangalan na may positibong engagement at mas marami kaysa sa mga negatibong komento ay lumalabas na ito ang nangunguna sa trend.

At ang nangunguna sa trend, sa dakong huli ito ay ang siyang nananalo sa halalan. At ito ay napatunayan na ng Google sa Estados Unidos, Canada at sa marami pang mga demokratikong bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Doctor of Social Psychology ng University of California na si Dr. Christine Ma-Kellams, ayon sa kanya ang mga searches sa Google ay nagiging most powerful predictor of political behavior kumpara sa iba pang mga hakbangin tulad ng mga ginagawang electoral surveys ng ilang mga kilalang survey firms.

Ito ay dahil sa ang mga datos na nabuo sa mga digital na channel ay libre mula sa posturing o pagpapanggap at sumasalamin ito sa tunay na intensyon o interes ng mga tao, nang walang mga filters. Samakatuwid, ito ay isang mas maaasahang taga forecast ng mga resulta ng halalan.

Nagiging accurate din ang Google Trends kahit na sa mga sitwasyong may mataas na panglilito, partrikular sa mga ginagawa ng mga trolls na panggugulo sa pangkalahatang online sentiment ng mga nitizens.

Hindi lamang naging matagumpay ang Google Trend sa pag-forecast sa mga resulta ng halalan sa Estados Unidos mula noong 2004, kabilang dito ang pagka-panalo ni Trump noong 2016. Tumpak rin na nakita ng Google ang mga tagumpay sa halalan ng Canadian Prime Minister na si Paul Martin noong 2003, tagumpay ni Stephen Harper noong 2006, 2008 at 2011 at tagumpay ni Justin Trudeau noong 2015, 2019 at 2021.

Sa katulad na paraan, ay tumpak rin na nakita ng Google Trend ang mga resulta ng halalan sa Greece, Spain, Germany, Brazil at dito sa Pilipinas, kung saan nakita rin ng Google Trend noong 2016 ang magiging panalo ni Pangulong Duterte.

AT NGAYON, nakita na rin ng Google Trend si “LENI ROBREDO” bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas ngayong 2022.

KAYA’T ngayong darating na halalan “ANG TATANGLAW SA BUONG BAYAN AY ISANG ILAW NG TAHANAN!” (The Fenix Channel)

2 thoughts on “GOOGLE TREND PREDICTS LENI ROBREDO’S VICTORY

  1. YES , BCOZ SHE HAS THE QUALITIES TO LEAD OUR DEAR PINAS , OUR HEARTFELT SUPPORT WITH THE BLESSINGS OF OUR ALMIGTHY – KAKAMPINK AS ONE!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s