SA PAGBABALIK KONGRESO NI UNICO SIGURADO ANG PAGBIBIGAY ALLOWANCE PARA SA MISCELLANEOUS, PAMASAHE, PAGKAIN AT UNIPORME NG MGA KABATAANG ESTUDYANTE

“KAY UNICO, KINABUKASAN AY SIGURADO”

2ND DISTRICT, Camarines Norte (March 27, 2022) | Sigurado na uunahin niya sa pagbabalik kongreso ayon kay Cong. Renato “Kuya” Jojo Unico ang pagbibigay ng karagdagang ALLOWANCE para sa MISCELLANEOUS, PAMASAHE, PAGKAIN AT UNIPORME ng mga kabataang estudyante upang matiyak na makakapagtapos na ng pag-aaral sa koleheyo ang mga mag-aaral na nahihirapan pa rin ngayon kahit libre na ang tuition fee.

Ayon kay Unico ay napakarami pa niyang magagandang nais isakatuparan kaya siya ay muling bumabalik sa kongreso, una ay nais niyang masiguro ang full implementation ng UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE dahil dalawa at kalahating taon na aniya mula ng ito ay kanyang maisabatas at napirmahan ng Pangulo ang University of Camarines Norte sa pamamagitan ng Republic Act 11399 subalit nananatili pa rin umano itong State College sa hindi malamang kadahilanan.

Idinetalye pa ni Cong. Unico na nais niyang masiguro na makakapagtapos  talaga ng pag-aaral ang mga kabataan dahil marami pa rin umano ngayon ang nahihirapan dahil sa mataas na bayarin sa Miscellaneous Fee, malaking gastos para sa Uniporme, Pamasahe at Pagkain ng mga estudyante kayat kanyang tiniyak ang pagsasabatas o paggawa ng mga hakbang para sa pagbibigay ng karagdagang allowance upang bigyang solusyon ang nasabing mga pangangailangan. (The FENIX Channel)

Panoorin ang video at mag-subscribe: https://youtu.be/QFYJymwn0vg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s