INDEPENDENT STUDY, VP ROBREDO PANALO LABAN KAY MARCOS JR SA HANAY NG MGA HINDI NA-SURVEY

SALUNGAT sa resulta ng mga nalathalang survey, angat si Vice President Leni Robredo sa mga katunggali sa pulitika batay sa resulta ng independent study sa mga Pilipinong hindi pa nakaranas na ma-survey para sa darating na halalan.

Kinuha ng Brand-Y Research and Market Intelligence ang 1,200 Pilipino na hindi pa nakaranas ma-survey bilang kalahok sa pag-aaral na ginawa mula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.

Sa nasabing pag-aaral, tinanong ang mga kalahok sa pamamagitan ng online questionnaire kung sino ang kanilang iboboto bilang Pangulo at Bise Presidente sa halalan sa Mayo.

Ginamit ng pag-aaral ang tinatawag na psychographic identifier para sa mga kahalok: Medyo Hirap Pa Sa Buhay (SEC DE), Ok Naman Hindi Mahirap Hindi Mayaman (SEC C), at Komportable At Nakaka-Angat-Angat Na Ang Pamilya (SEC A, B).

Batay sa kabuuang resulta ng pag-aaral, makukuha ni Robredo ang 53 porsiyento ng kabuuang boto habang pumapangalawa si Bongbong Marcos na mayroon lang 37 porsiyento pagdating ng halalan.

Bukod rito, nanguna rin si Robredo sa Google Trends mula February 5, 2022 hanggang March 11, 2022 na may kabuuang score na 107 mula sa mga search na gamit ang keywords na “Leni” at Robredo” at mula sa positive engagements, malayo sa score ni Marcos na 79.

Ang Google Trends ay naging matagumpay sa pagdetermina ng resulta ng mga halalan sa United States, Greece, Spain, Germany, Brazil, Canada at dito sa Pilipinas kung saan nanalo si Pangulong Duterte.

Lumamang na rin si Robredo pagdating sa Facebook analytics, batay sa kanilang pinakahuling pag-compute mula sa 58 milyong data point, kung saan bumaling na ang tubig at nangunguna na ngayon si Robredo kay Marcos ng limang puntos simula noong Mach 8, 2022, na may kabuuang 8 milyong Facebook engagement score kumpara sa 7.5 milyon ng kanyang karibal na si Marcos Jr. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s