PAGSUPORTA NG 2 KONGRESISTA SA PAGSASABATAS NG QUEZON-BICOL EXPRESSWAY NA MAGPAPALUGMOK SA EKONOMIYA NG CAMARINES NORTE MAITUTURING NA PAGTATAKSIL SA INTERES NG MAMAMAYAN

CAMARINES NORTE (Marh 21, 2022) | Maituturing na pagtataksil sa interes ng mamamayan ng Camarines Norte ang ginawang pagsuporta nina Kongresista  Josepina Tallado at Marisol Panotes kapwa representante ng 1st at 2nd District ng Camarines Norte sa pagsasabatas ng House Bill No. 9988, ang panukalang batas na may titulong “An Act Mandating The Construction Of The Quezon-Bicol Expressway And Appropriating Funds Therefore”.

Batay sa mga dokumentong kinalap ng The Fenix Channel mula sa Legislative Information System ng House of Representatives na makikita sa link na ito: https://www.congress.gov.ph/legisdocs/?v=bills ay lumalabas mula sa Committee Report No. 1132 at sa mismong kopya ng HB 9988 na isinumite noong August 17, 2021 na sina Kongresista Tallado at Panotes ay kabilang sa mga principal author ng panukala, kung saan ito ay ganap na naaprubahan sa third at final reading at tuluyan ng pinag-transmit sa Senado noong September 15, 2021.

SEE COPY OF COMMITTEE REPORT NO. 1132 & FULL TEXT OF HB 9988:

Lubhang malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng probinsya kung sakaling maging ganap ng batas ang nasabing hakbang dahil sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang makakaranas ng isolation o maisasantabi ang lalawigan ng Camarines Norte sa business center o sentro ng negosyo at kalakalan ng kabikulan, na una ng naranasan ng lalawigan ng mabuksan ang Quirino Highway.

Malaki din ang magiging epekto nito hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa pag-unlad ng probinsya sa larangan ng suportang pang imprastraktura mula sa nasyonal dahil ang mga infrastructure development programs nito ay mapo-focus sa mga lugar na dadaanan ng Quezon-Bicol Expressway project, kabilang dito ang mga oportunidad sa negosyo na maaaring malikha sa pag-uumpisa ng proyekto, partikular sa mga lugar na dadaanan ng Expressway, oportunidad na maipagkakait sa mamamayan ng Camarines Norte.

Ang Quezon-Bicol Expressway project batay sa panukala ay magsisimula sa Malicboy, Quezon at magtatapos sa probinsya ng Sorsogon nang hindi dadaan o hindi kasali ang Camarines Norte sa makikinabang sa proyektong pangkaunlaran para sa mga Bicolano, subalit sinuportahan pa nina Kongresista Tallado at Panotes mga principal author ng panukalang batas na magpapalugmok pa lalo sa bagsak na ekonomiya ng probinsya.

Hindi man lang ginawa ng dalawang nabanggit na kongresista na ipaglaban at maisama ang Camarines Norte sa dapat mabiyayaan ng nasabing proyekto at hindi man lang kinunsulta ang kanilang mga ikinakatawan na mamamayan mula sa 1st at 2nd District ng Camarines Norte bago pa sila nagpasyang sumuporta at isulong ang nasabing development project para sa Bicol Region na magdudulot ng pagbagsak sa kabuhayan ng mga taga Camarines Norte.

HINDI PA HULI ANG LAHAT, KUNG ANG MANANALONG MGA KONGRESISTA SA UNA AT IKALAWANG DISTRITO NG CAMARINES NORTE AY KAYANG MANINDIGAN AT IPAGLABAN ANG INTERES NG MAMAMAYAN SA MABABANG KAPULUNGAN! (The Fenix Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s