CONGRESSMAN UNICO SUBOK NA MASIPAG KAYA NAKAGAWA NG MARAMING BATAS

CAMARINES NORTE, 2nd District (March 18, 2022) | Subok na masipag bilang Congressman ng Camarines Norte kaya nakapagpasa ng maraming mga batas si Conggressman “Kuya” Jojo Unico. Ang mga makabuluhang batas na nagawa niyang maipasa sa Kongreso ay ang Republic Act 9257, Republic Act 9449, Republic Act 11180, Republic Act 11195 at ang Republic Act 11399. Ang kapakinabangan sa mga batas na ito ay kinapapalooban ng mga sumusunod:

Una ay ang batas na kumikilala at nagbibigay benipisyo sa mga pangangailangan ng matatanda, ito ay ang  Republic Act 9257 o ang batas na kilala bilang “An Act Granting Additional Benefits and Priviliges to Senior Citizens.” Ito ay isinulong ni Cong. Unico noong 12th Congress nang siya ay kinatawan ng Lone District ng Camarines Norte at ganap na naging batas noong February 26, 2004.

Sinundan ito ng Republic Act 9449 o ang batas na lumikha ng karagdagang sangay ng Municipal Trial Court sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Ang RA 9449 ay naipasa noong 13th Congress at ganap na naaprubahan bilang batas noong May 15, 2007 bilang kinatawan ng Lone District na Camarines Norte si Cong. Unico. Ito ay isinabatas sa layuning mapabilis ang mga kasong nakabinbin.

Kasunod nito ay ang Republic Act 11180 o ang Athletic Programs Reports Act, na isinulong at naaprubahan noong January 3, 2019 bilang kinatawan si Cong. Unico ng 1st District ng Camarines Norte. Ang layunin ng batas na ito ay para sa pagpapaunlad ng Youth and Sports Development program at mabigyan ang mga atletang lalaki at babae ng pantay na pagkakataon na makatanggap ng wastong pagsasanay at lumahok sa mga aktibidad at kompetisyon sa palakasan.

Dahil sa sipag ni Cong. Unico noon din 17th Congress ay ganap ring naging batas ang Republic Act 11195 o ang batas na nagtatatag ng isang district hospital sa bayan ng Santa Elena, Camarines Norte na tatawaging Santa Elena District Hospital. Isang batas na makatutulong para mabigyang suporta ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.

At dahil sa walang kapagurang dedikasyon para matulungan ang mga kabataan at mga magulang at upang mas maitaas pa ang antas ng edukasyon sa probinsya ay walang humpay din na pinag-pursigihan ni Cong. Unico na maipasa at maisabatas ang Republic Act 11399 ang batas na nagtatatag ng University of Camarines Norte.

Ang mga batas na ito ay patunay ng kanyang taus-pusong hangarin na mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Camarines Norte, mula sa mga kabataan, mga magulang at hanggang sa ating mga Senior Citizens.

Ang parehong mga hangaring ito ang bitbit ni Cong. Kuya Jojo Unico sa kanyang muling pagtakbo para sa Kongreso, na dinagdagan pa ng kanyang husay at katapatan para maging karapatdapat sa pagbibigay ng bagong pag-asa sa bawat isa. (The Fenix Channel)

Maaaring basahin sa mga link na ito ang history ng University Of Camarines Norte.

  1. https://wp.me/p7CZvZ-12N
  2. https://wp.me/p7CZvZ-12Y
  3. https://wp.me/p7CZvZ-149

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s