BASAG NA ANG SOLID NORTH, WALANG SOLID NORTH! SIGAW NG LIBO-LIBONG MAMAMAYAN NG NORTE

MARCH 17, 2022 | Dumadagundong ang sigaw na “WALANG SOLID NORTH”, ito ang sigaw na bumasag sa sinasabing Solid North na balwarte ng mga Marcos, at ito ay pinatunayan ng dumagsa at bumuhos ang mga taga Norte na sumaksi at boluntaryong sumuporta sa people’s campaign rally o sa kampanya ng grupo ni Vice President Leni Robredo sa kanilang lugar.

Sa Bacolod, 70k ang pumunta kahit walang bus, naglakad lang sila. Hindi rin nagpatinag ang mga taga-Negros Occidental sa panggigipit at pananakot kay VP Leni at sa iba pang mga tagasuporta.

Kitang-kita ito sa pagbuhos ng tao sa iba’t ibang campaign rally ni VP Leni sa San Carlos City, Sagay City, Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan City, Hinigaran, La Carlota City, at Bacolod City, bitbit ang paniniwala at pag-asa na siya ang susi sa pagbangon at pag-unlad ng bansa.

Mapapatunayan ito sa naging pahayag ni Congressman Marj Martin-Chan, ayon sa kanya ay “Hatinggabi noong Bagyong Ulysses, ka-tweet nating lahat. Natutulog na silang lahat, pero si VP Leni sumasagot pa mga tweets ng mga Tuguegaruenos. Kauna-unahang national official at pulitiko na nagbigay ng ayuda.

Hindi taga-Norte pero ang pagmamahal ni VP Leni sa Norte, hindi nawala.

Sinabi naman ni Former Cagayan Province Governor Alvaro Antonio na noong 2011 at 2012, mayroong isang malakas na bagyo na sumira sa probinsya ng Cagayan. Bilang gobernador, lumapit ako kay Senador Bong Bong Marcos. Inaasahan kong tutulong siya sa probinsya ng Cagayan sa panahon ng kahirapan.

Alam niyo kung anong nangyari? Hindi ako naninira, nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi niya man lang ako hinarap, pinaiwan niya na lang yung resolusyon ko. Dalawang beses akong nagpakita para humingi ng tulong bilang gobernador, pero kahit singkong duling, wala siyang ibinigay.

Matatandaan, na noon pa man ay matagal na ring sinabi ng pinsan ni Marcos Sr na si dating Senadora Leticia Ramos-Shahani na: “Walang solid vote north. Ako ay isang ilokano at si Marcos ay aking pangalawang pinsan – si Ferdinand Marcos ay aking pangalawang pinsan, ngunit hindi ibig sabihin na awtomatikong iboboto namin ang isang Marcos.”

Pinatunayan pa ito ng mga resibo ng sigawan na “Walang Solid North” ng LIBO-LIBONG mamamayan mula sa ibat-ibang bayan, siyudad at probinsya sa Norte.

Ayon sa mga taga Tugegarao, Cagayan malaki ang tsansa ni presidential candidate at VP Leni Robredo na manalo sa kanilang rehiyon sa darating na botohan, dahil ang “solid north” daw ay isang kathang isip lamang.

Ganun din ang sigaw ng mga taga-Isabela: “ISABELA IS PINK!” Ang sigaw ng Isabela, “Awan ti Solid North! Awan ti Solid North!”

Sinundan pa ito ng mga billboard sa kahabaan ng Marcos Highway sa La Union na mababasa ang mga katagang “Ilokano kami, para sa amin Leni-Kiko”, makikita din ang mga katagang “Huwag Bomoto ng Magnanakaw at Sinungaling”, ang La Union ay itinuturing ng extension ng Ilocos.

Photo credit: Annelle Gumihid-Sabanal

Nakakatindig balahibo, nakakakilig, nakakatuwa, nakaka-PROUD! Ito ang patunay na taumbayan na ang tumitindig para sa #GobyernongTapat.

Photo credit: Wes Baltazar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s