VICE PRESIDENT LENI ROBREDO BIKTIMA NA NAMAN NG PANIBAGONG ATAKE NG BAGONG BERSYON NG “FAKE NEWS”

FAKE NEWS ALERT (March 14, 2022) | Muli na namang umatake ang trolls ng isang kandidatong kilala bilang Fake News King sa pamamagitan ng panibagong bersyon ng fake news na inilabas laban kay Vice President Leni Robredo.

Ang panibagong atake ng kasinungalingan ay inalmahan na ni Vice President Leni Robredo sa kanyang ipinalabas na reaksyon sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

Ayon sa Besi Presidente ay hindi siya tinantanan ng fake news mula pa noong 2016 hanggang ngayon. Kung saan tinatawag siya sa mga bansag sa kanya tulad ng mandaraya sa election, lugaw, bobo, buntis, kabit, lutang, etc.

Subalit hindi niya umano ito hinayaan na maging hadlang sa patuloy niyang pagseserbisyo sa bayan.

“Ni minsan, hindi ko hinayaan maging sagabal ito sa trabaho ko. Pinaghusayan ko pa din kahit pinapahirapan ako. Resibo ko ang lahat na na accomplish ng aming opisina in the last 6 years.”

Subalit ang pinakahuling fake news na nakarating sa kanya ay ang muling binubuhay na pagpapakasal niya umano noong siya ay 15-anyos lamang at ikalawang asawa na raw niya ay ng yumaong si Jesse Robredo.

Ayon kay VP Leni, sa ngayon na marami nang natatauhan, binubuhay na naman ang mga ito. Kawawa naman aniya yung mga napapaniwala nila. Sinabi ng Vice President na hindi naman siya ang lugi dahil sa dulo ng lahat ay laging katotohanan ang umano ang mananaig.

Ayon sa Besi Presidente ang muling binubuhay ngayon na fake news ay:

“Ang wild nito. Nag asawa daw ako at 15 years old (may wedding pic pa na pinakita) At yung una ko daw na asawa, member ng CPP NPA na napatay. Si Jesse daw ay pangalawa ko nang asawa.”

Sa paliwanag naman ni VP Leni, kung 15 years old siya nag-asawa ay 3rd year high school palang siya nito. Lahat aniya ng high school classmates niya at college classmates ay makakapag patunay na never siyang nag leave of absence at grumadweyt siya on time at the age of 21. Idinagdag nito, na sa dormitory siya sa loob ng UP tumira for 4 years at ang roommates niya ay lahat babae.Kung saan, nakilala niya si Sec. Jesse Robredo after graduation at kinasal sila TWICE noog siya ay 22.

Ayon pa kay VP Leni, may bagong bersyon na raw ang Fake News ngayon, kung saan mayroon daw siyang naging anak sa sinasabi nitong unang asawa at inabandona pa raw niya ito.

Sa huli, sinabi ng Besi Presidente  patungkol sa may kagagawan ng Fake News na kung naniniwala pa ito ay ipagdadasal nalang ito ng Pangalawang Pangulo. (The Fenix Channel)

Narito ang link ng post ni VP Leni mula mismo sa kanyang  Facebook page na Leni Gerona Robredo: https://www.facebook.com/leni.robredo?fref=nf

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s