KAALAMAN TUNGKOL SA MGA BENEPISYO NG SALUYOT SA ATING KALUSUGAN BILANG HALAMANG GAMOT

HEALTH NEWS (March 13, 2022) | Ang Saluyot o Corchorus Olitorius ay isang halamang gulay na nagtataglay ng maraming benepisyo sa ating katawan. Ang halamang ito ay maliit lamang, may dahon na tusok-tusok ang gilid, at may dilaw na bulaklak sa tuktok. Karaniwang nakikita itong tumutubo malapit sa mga palayan sa buong kapuluan ng Pilipinas.

MGA SUSTANSYA  AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MGA BAHAGI NG SALUYOT

Ang dahon ng saluyot ay may taglay na anthocyanin, alkaloids, terpenoids, tannins, flavonoids, cardiac glycosides.

Mayaman din ito sa calories, protein, fat, carbohydrate, fiber, calcium, phosphorus, iron, sodium, potassium, beta-carotene, thiamine, riboflavin, niacin, at ascorbic acid.

Ang mga buto naman ay may taglay na alkaloids, tannins, flavonoids, glycosides, saponin, cardiac glycosides, anthraquinones, steroids, at volatile oil

BAHAGI NG SALUYOT NA MAY BISA BILANG HALAMANG GAMOT AT PAANO GINAGAMIT

Dahon: Ang dahon ay karaniwang nilalaga at ipinapainom sa may sakit. Maaari din itong patuyuin at pulbusin bago ihalo sa inumin.

Buto: Ang maliliit na buto ng saluyot ay karaniwan ding ginagamit sa panggagamot. Ito ay maaaring dikdikin at ihalo sa inumin, sa pulot, o sa pinaglagaan ng luya.

MGA KARAMDAMAN  AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG SALUYOT

  1. Hirap sa pag-ihi: Maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon ng saluyot para maibsan ang hirap sa pag-ihi.
  2. Pagtatae: Maaari namang ipainom sa pasyenteng dumadanas ng pagtatae ang dinikdik na buto ng saluyot na hinalo sa pulot. Mabisa din kung iinumin ang salabat na hinaluan ng dinurog na buto.
  3. Lagnat: Nakakatulong sa pagpababa ng mataas na lagnat kung iinumin ang tubig na hinaluan ng dinikdik na buto ng saluyot. Ang pinagbabaran din ng dahon ay maaaring inumin para maibsan ang lagnat.
  4. Hirap sa pagdumi: Ang pag-inom ng inumin na hinaluan ng dinikdik na buto ng saluyot ay makatutulong din sa kondisyon ng hirap sa pagdumi.
  5. Tulo: Ang tulo o gonorrhea ay matutulungan naman ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng saluyot.
  6. Kawalan ng gana sa pagkain: Matutulungan din na mapalakas ang gana sa pagkain kung iinumin ang pinagbabaran ng dahon ng saluyot.
  7. Sakit sa atay: Ayon sa Department of Molecular Medicine ng University of Malaya sa Malaysia, nakakatulong din ang Saluyot sa mga taong may paninilaw ng balat o sakit sa atay at apdo dahil sa taglay nitong Ethanol extract na mabisang alternatibong gamot dahil tinutulungan nitong mapabilis ang panggaling ng taong may ganitong kondisyon.
  8. Pampaganda ng kutis: Nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng ating balat dahil ito ay mayaman sa vitamin E, at ayon sa mga mananaliksik noong unang panahon ang dahon ng saluyot ay ginagamit ni Cleopatra sa kanyang pagpapaganda.
  9. Pampadagdag gatas: Ang saluyot ay mainam din na kainin ng mga butis at bagong panganak na babae, dahil ito ay nagtataglay ng sustansya na nakakatulong upang magkaroon ng saganang gatas ang isang ina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s