VP LENI, UMAPELA SA MGA BOTANTE NA LABANAN ANG FAKE NEWS SA PAMAMAGITAN NG TAMANG IMPORMASYON AT GOBYERNONG “TAPAT ANGAT BUHAY LAHAT”

CAMARINES NORTE (March 9, 2022) | Umapela si Vice President Leni Robredo sa mga botante, hindi lamang para siya ay iboto bilang Pangulo, kundi para samahan siyang labanan ang mga malisyosong propaganda at fake news sa pamamagitan ng tamang impormasyon at pagpapalaganap ng Gobyernong Tapat Angat Buhay Lahat.

Sinabi ni Robredo na ang pagkontra sa Fake News ay hindi lamang niya ito laban kundi laban ito ng bawat Pilipino dahil maituturing aniya na pag-lapastangan sa demokrasya ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan.

Ayon sa kanya, ang problemang kinakaharap ngayon ng publiko laban sa mga fake news ay mainam na labanan ito sa pamamagitan ng mga tamang impormasyon upang siyang maging gabay ng mamamayan para makapagdesisyon nang tama sa darating na halalan at upang hindi ito makapag-desisyon batay sa kasinungalingan.

Aminado rin si VP Leni na nakakapang-gulo rin ang walang mga basehang akusasyon na kanyang natatanggap dahil sa kaliwa’t kanang fake news na ipinapakalat ng ilang grupo sa social media, pero hindi  umano nito makakabawas sa kaniyang kagustuhang manilbihan.

Dahil dito ay kanyang hinihikayat ang lahat na palaganapin ang kanilang adhikain na Gobyernong Tapat Angat Buhay Lahat. Ito ay kinapapalooban ng limang (5) pangunahing programa na nakatuon sa Hanapbuhay o Trabaho para sa lahat, na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. IBALIK ANG TIWALA SA GOBYERNO
  2. GISINGIN ANG LAKAS NG INDUSTRIYANG PILIPINO
  3. WAKASAN ANG DISKRIMINASYON SA TRABAHO
  4. SUPORTA SA MALILIIT NA NEGOSYO
  5. SALUHIN ANG MGA NAWALAN NG TRABAHO

Ayon kay VP Leni kapag siya na ang Pangulo, at sakaling ang isang empleyado o manggagawa ay nawalan ng trabaho, sa unang tatlong (3) buwan na nawalan ng trabaho ang manggagawa ay mismong ang gobyerno na ang sasagot ng kanyang sweldo. At kung sa ika-apat na buwan at wala pa ring trabaho ay ang gobyerno na rin ang maghahanap ng trabaho para sa naturang manggagawa.

Sa huli ay nagbigay ng kasiguruhan si VP Leni na kanyang bubuwagin ang mga sindikatong ginawa nang negosyo ang gobyerno upang mapalago at maibalik ang sigla ng ekonomiya. (Like, Follow, Share and Subscribe The FENIX Channel)

Infographics source: https://lenirobredo.com/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s