CAMARINES NORTE GUBERNATORIAL ASPIRANT RICARTE “DONG” PADILLA, IPINAKILALA BILANG NAGMULA SA PAMILYANG MATAGAL NG NAGLILINGKOD NG MATAPAT SA MAMAMAYAN

CAMARINES NORTE (March 8, 2022) | Ipinakilala ng grupong Team Matapat na nagmula sa pamilyang matagal ng “matapat” na naglilingkod sa lalawigan ng Camarines Norte si Gubernatorial aspirant Ricarte “Dong” R. Padilla, siya ay anak ni dating Gobernador Roy B. Padilla Sr. at kapatid naman ni dating Gobernador Roy A. Padilla Jr.

Sa kanyang tatlong (3) termino bilang Mayor ng Jose Panganiban ipinakita nito ang kanyang kakayahan sa pagpapataas ng antas ng pamamahala sa bayan ng Jose Panganiban, isang track record na kanyang pinatunayan, na kinilala naman ng iba’t-ibang mga organisasyon at institusyon sa bansa sa pamamagitan ng mga iginawad na parangal.

Ayon sa Team Matapat ang ilan sa mga pagkilala at parangal na natanggap ng Alkalde at ng Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban ay ang mga sumusunod:

1. Dangal ng Filipino Award
2. Most Outstanding Mayor Award
3. Gantimpala Agad Award mula sa Civil Service Commission
4. Magiting na Manggagawa Award
5. 3 times Best Accounting Office National Awardee among LGU’s, mula sa Commission on Aidit
6. Most Outstanding Local Government Unit, Class A Municipality
7. Seal of Good House Keeping Award for LGU mula sa DILG
8. Best Performing LGU Award mula sa DOH
9. 4th Place National Literacy Award

Isinasalarawan din ng Team Matapat na si Gubernatorial Aspirant Dong Padilla ay isang pinuno na kayang paunlarin ang bayan sa pamamagitan ng isang MATAPAT na pamamahala. Hinihikayat rin ng grupo ang mamamayan na buksan ang PAG-ASA sa Serbisyong Tapat at Karapat-dapat para sa lalawigan ng Camarines Norte. (The FENIX Channel)

BALIKTANAW SA KWENTO NI RPS ADOPTED SON OF CAMARINES NORTE:

Ang kwento ng taong minsang kinupkop sa isang estrangherong bayan kung saan siya ay kinalinga at inalagaan. Sa laki ng kanyang pag-ibig sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mamamayan, bilang kapalit pinangunahan niya ang pakikipaglaban sa kanilang mga karapatan, hanggang sa siya ay tuluyan ng iluklok bilang kanilang pinuno.

Isang magiting na pinuno ng mga manggagawa na nakatanggap ng pinakamataas na pagkilala mula sa kanyang mamamayan. Ngunit sa araw na inuluklok sya sa mas mataas na posisyong nararapat para sa kanya, ito na rin ang naging huling araw nya sa larangan ng paglilingkod at nagwakas ang kanyang kasaysayan sa kamay ng mga hindi nakikitang kaaway.

Ang karagdagang detalye sa kwento ni Casimiro Bustamante Padilla Sr na tinaguriang ADOPTED SON OF CAMARINES NORTE ay mapapanood sa link na ito: https://wn.com/roy_padilla,_sr.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s