Dalawang Pilipino itinampok sa Britannica’s 2022 “Shapers of the Future” list

CAMARINES NORTE, PH (March 5, 2022) | Ang 2022 “Shapers of the Future” list ay inanunsyo ng Britannica, kabilang ang dalawang ‘shaper’ mula sa Pilipinas.

Kasama sa listahan ng Britannica ang mga kabataan na nagsisikap at nagtatrabaho sa maraming larangan. Sila ay mga scholars, builders, designers, architects, artists, teachers, writers, musicians, social at political leaders, at marami pang iba.

Ang magkasabay na pagkakasama ng dalawang Pilipino sa listahan ng Shapers of the Future ay kasabay ng pag-donate ng Encyclopaedia Britannica ng 100 kopya ng isang volume ng children’s encyclopedia sa National Library ng Pilipinas.

Ang dalawang Shapers of the Future mula sa Pilipinas

Pagkatapos mag-aral sa elementarya, sa paaralan ng mga gifted children at sa Singapore American School, ang 18-taong gulang na si Maria Isabel Layson ay bumalik sa kanyang tinubuang lugar na Iloilo City, sa Pilipinas at nag-enroll sa isang advanced science curriculum sa National High School doon.

Habang pinag-aaralan ang isang berry na lokal na tinatawag na aratiles o sarisa sa isang laboratoryo ng Food and Nutrition Research Institute sa Maynila. Natuklasan ni Layson na ang prutas ay naglalaman ng mga antioxidant compound na lumalaban sa diabetes.

Noong 2019, nang siya ay 16 taong gulang pa lamang, ipinresenta niya ang kanyang mga natuklasan sa Intel International Science and Engineering Fair sa Phoenix, Arizona, bilang isa sa isang dosenang Pilipinong delegado.

Noong taong iyon, nanalo siya ng Best Individual Research in Life Science sa National Science and Technology Fair, na pinag-host ng Department of Education.

Si Layson ay estudyante na ngayon sa University of the Philippines Visayas sa Iloilo City, kung saan nag-ooperate din siya ng isang panaderya na gumagawa ng mga keto-friendly na pastries.

Napag-alaman na inspirasyon ni Layson sa kanyang pananaliksik ay ang lolo nito na namatay dahil sa diabetes kung kaya hindi na niya ito nasilayan.

Kasama ni Layson si Rodney Perez, 32-taong gulang, Tubong Pilipinas din. Nag-aral si Rodney Perez ng food science sa Visayas State University, sa isla ng Leyte at pagkatapos ay nanalo ng scholarship sa Kyushu University, sa Japan kung saan nakapagtapos siya ng M.S. bioscience at biotechnology at Ph.D. sa microbial technology.

Ang kanyang espesyalidad bilang isang mananaliksik sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños ay ang pag-aaral ng bacteriocins, natural na toxins na maaaring pumatay ng mga kahalintulad na strain ng bacteria na may kinalaman sa pagkalason ng pagkain at pagkasira.

Si Perez ay nagtatrabaho na ngayon sa mga teknolohiya upang ipakilala ang mga bacteriocin na ito bilang bahagi ng mga proseso ng packaging ng pagkain – halimbawa, pagpapalit ng mga artipisyal at potensyal na nakakapinsalang steroid sa mga dairy products na may kapaki-pakinabang na bakterya mula sa lactic acid na lumalaban sa mastitis sa mga baka.

Si Perez ay tumanggap ng ilang karangalan dahil sa kanyang mga nagawa kabilang ang Young Asian Biotechnologist award mula sa Society for Biotechnology ng Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakakuha ng ipinagmamalaking international prize.

Ipinahayag ni Perez ang kanyang layunin na dalhin ang mga mikroorganismo sa iba pang mga problemang may kinalaman sa kalusugan dito sa Pilipinas. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s