KUNG MATAPAT ANG MGA NAMUMUNO, WALANG PUWANG ANG KORAPSYON AT PAG-AABUSO, ANG LAHAT NG ITO AY DAPAT NAGSISIMULA SA KAPITOLYO!

DAHIL ANG SERBISYONG MATAPAT AY MAGBUBUKAS NG PAGASA PARA SA LAHAT!”

EPISODE 1 (March 2, 2022) | Labing dalawang (12) taon na ang nakalilipas, simula ng ating sinubukan ang uri ng kanyang pamamahala dahil sa kanyang ipinangako ang “Malinis Na Pamamahala Sa Kapitolyo” at sabi niya “Hindi Po Ako Magnanakaw”, sinabi pa rin niya na gagawin niyang “First Class Province Ang Camarines Norte” mula sa pagiging 2nd Class province nito.

Sumubok tayo na tikman ang pangakong “Malinis Na Pamamahala Sa Kapitolyo”, subalit ano nga ba ang ating napala? Ang ating nakamit na gantimpala ay “Kasakiman at Karahasan”, dahil simula ng siya ay makaupo sa Kapitolyo noong 2010 ay inumpisahan niya ang pwersahang take-over sa mga minahan na nauwi sa sagupaan at nagresulta sa pagkamatay ng apat (4) na guwardiya at pagkakasugat kay Felizardo De Jesus, isang security guard sa Brgy Larap at pagkamatay ng guwardiyang si Ramil Evangelista sa Brgy. Nakalaya.

Naging kawawa ang mga magsasaka at mga may-ari ng lupa na inagawan ng kabuhayan, gaya ng mga Fonacier sa Brgy. Nakalaya at Durante ng Brgy. Larap, Jose Panganiban; magsasakang Gallardo ng Brgy. Napaod at Ponayo ng Brgy. Benit, Labo, kabilang din dito ang daan-daang mga namatay sa kontrobersyal na minahan sa Brgy. Palanas, Paracale. Ang lahat ng nasabing mga casualties  ay pawang naging biktima ng ating maling desisyon.

Sa kanya namang pangako na “Hindi Siya Magnanakaw”, ang tunay na kahulugan  pala ng kanyang sinabi ay “Hindi Siya Magnanakaw Ng Ma..<=>..t.” Sapagkat inumpisahan agad niya, noong 2011 ang pag-utang ng P570 milyon, sinundan ito ng P900 milyon at sa bawat pagpalit ng taon ay panibagong utang ang handog niya sa mamamayan hanggang sa kasalukuyan kaya’t tuluyan ng lomobo sa mahigit P2Bilyon ang kanyang utang na taumbayan ang nagpapasan. Utang na lahat ay sa imprastraktura inilaan dahil siya rin ang kontratista gamit ang lisensya ng iba.

Pagkalipas ng labindalawang (12 ) taon, ang pangakong “First Class Province” ay nanatiling isang pangako lamang dahil hanggang sa kasalukuyan ay naging stagnant o walang pag-unlad sa ekonomiya dahil nanatiling 2nd Class Province ang classification ng Camarines Norte, ang resibo ay makikita sa link na ito mula sa DILG: https://lgu201.dilg.gov.ph/view.php?r=05&p=16&m=

Anong nangyari? Sino ba ang naging First Class ang kabuhayan? Hindi ba ang namumuhay ngayon ng marangyang pamumuhay ay ang “Ama, Ina, Anak, Kapatid, Bayaw at mga Ksb#^!wt? Yan ang dahilan kung bakit sa KAPITOLYO ay ayaw ng lumisan. (The FENIX Channel)

Tandaan: Ang Serbisyong Matapat ay Magbubukas ng Pagasa para sa Lahat!”

Abangan ang EPISODE 2: Ang pagbulag sa mamamayan gamit ang estratehiyang “Higit Sa Salita Gawa.”

Ang front page ng Booklet na naglalaman ng mga PANGAKO.
Inside page ng Booklet na naglalaman ng mga PANGAKO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s