LABO MAYOR JOSEPH ASCUTIA KINILALA NG IBAT-IBANG ORGANISASYON AT AHENSYA DAHIL SA MGA PROGRAMANG PAGPAPA-ANGAT SA ANTAS NG PAMUMUHAY NG MAMAMAYAN

LABO, Camarines Norte (March 1, 2022) | Kinilala ng ibat-ibang ahensya at organisasyon sa bansa si Labo Mayor Joseph Ascutia dahil sa mga programang nag-aangat sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa kanyang bayan.

Sa pagsimula ng pamumuno ni Mayor Ascutia sa bayan ng Labo noong 2013 ay napatunayan nito ang kanyang uri ng pamamahala na kayang buhayin ang pagkakaisa ng lahat sa pamamagitan ng isang MATAPAT na paglilingkod na nagbigay ng nag-uumapaw na PAG-ASA dahil sa loob lamang ng ilang taon ay nakabilang na ang Lokal na Pamahalaan ng Labo sa pinaka-mayayaman na Munisipyo sa buong kabikulan.

Sa unang taon ng panunungkulan ng Alkalde at sa pagpapatupad nito ng mga programa na naghahatid ng mga positibong resulta para sa kapakanan ng mga bata ay tumanggap ang LGU-Labo ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) award noong 2014 mula sa Council for the Welfare of Children (CWC). Ang ahensyang ito ay ang focal inter-agency body ng Pamahalaan ng Pilipinas para sa mga bata.

Sinundan ito noong 2015, kung saan tinanghal na Top Performing LGU sa Bicol Region ang Munisipyo ng Labo dahil sa pagpatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad na may kaugnayan sa kalusugan.

At nang sumapit ang 2016 ay pinarangalan si Mayor Joseph Ascutia bilang One of the Ten Outstanding Local Chief Executive sa pagpapatupad ng mga Community-Driven Development projects.

Kasunod nito ay tinaguriang “Humble Mayor” ang Alkalde sa pamamagitan ng Local Government Unit magazine, na inilathala noong 2018.

Binigyan din ang Lokal na Pamahalaan ng Labo ng Special Recognition Award for Best Practice in Retooled Community Support Program Barangayan Implementation ng DILG at ang parangal ay personal na tinanggap ni Mayor Ascutia sa Legazpi City noong February 19, 2021.

Tumanggap din ang LGU Labo ng Gawad Brigada Diamond Award mula sa Department of Education noong March 18,  2021 dahil sa patuloy nitong suporta sa sektor ng edukasyon. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s