KAHALAGAHAN NG TAMANG PANGANGALAGA AT PAGMANTINI NG PASSWORD IPINA-ALALA NG TECHNOLOGY EXPERT

CAMARINES NORTE (February 28, 2022) | Ipina-alala ng ilang technology expert ang kahalagahan ng tamang pangangalaga at pagmantini ng password dahil ito ang isang pinakamahalagang susi sa pagbubukas ng mga account sa mga websites, email address, apps, social media, streaming service, blog,  at iba pang mga bagay sa internet kabilang dito ang seguridad at privacy ng mga internet users.

Matatandaan na kamakailan ay marami ang naalarma ng lumabas ang isyu ng hacking sa mga online bank account ng mga kliyente ilang banko, dahil dito mas lalong nabiigyan ng pansin ang kahalagahan ng pangangalaga at pagmamantini ng mga passwords. Sanhi nito ay nagbigay payo ang ilang technology expert na dapat palaging pinapalitan ang password ng malakas na kombinasyon at hindi madaling mahulaan.

Sa isang pag-aaral ng card machine provider na ClassDojo Helpdesk na lumabas kamakailan, natuklasan nito ang limang pangunahing tipo ng password na madaling maatake ng mga hackers.

Sa naturang pag-aaral, lumitaw ang kategorya ng mga passwords na nanganganib sa mga hackers. Ayon dito ang mga  passwords na mas madalas ma-hacked ay ang mga ibinabatay sa pet names o mga terminong naglalarawan sa tao, hayop o bagay na nagugustuhan o minamahal ng may-ari ng password. Nangunguna sa mga pet names na malimit gamitin sa buong mundo ay ang “Love”, “Baby” at “Angel”.

Pangalawa sa mga higit na nanganganib na uri ng password sa hacking ay ang klase ng password na hango sa pangalan mismo ng may-ari nito, kasunod ang sa hayop, emosyon at pagkain.

Pinakakaraniwang ginagamit na pangalan sa password na madaling mahulaan ng mga hackers ang mga pangalan na Sam, Anna at Alex habang ang mga passwords naman na gumagamit ng pangalan ng mga hayop tulad ng dog at cat ay delikado ring mabuksan ng hacker.

Tinukoy din sa pag-aaral na kabilang sa limang pangunahing karaniwang password na madalas ma-hacked ay ang 123456, 123456789, Qwerty, Password, at 1111111.

Sinabi ng ClassDojo Helpdesk na ang paggamit ng isang password manager para makalikha ng kakaibang password at paggamit ng multi-factor authentication sa lahat ng mga website ang ilang inirerekomendang paraan para mapahusay ang seguridad ng password at magiging napakahirap nito sa mga hackers na manakaw ang password at makuha ang mga data ng may-ari nito.

Bukod sa mga karaniwang password, ay may iba pang paraan ang mga hackers para mabuksan ang account ng isang user tulad ng paggamit ng social engineering at phishing scheme o ang mapanlinlang na pagpapadala ng mga email at kung ito ay mabubuksan ng pinadalhan ay maaaring makuha ng hacker sa kanilang pag-logins ang ginamit na password kabilang ang mga data breaches para makuha ang mga sensitibong detalye ng biktima.

Ipinayo ng ClassDojo Helpdesk na sa paglikha ng malakas na password, gumamit ng mga special characters, numbers at capital letters sa passwords; mag-isip ng mahabang password na merong minimum na 8 hanggang 12 characters; gumamit ng multi-factor authentication; gumamit ng password manager at palagiang tingnan kung nakumpromiso ang password.

Iwasan din ayon sa ClassDojo Helpdesk na gumamit ng personal information sa password at huwag gumamit ng magkakasunod na mga letra o numero, huwag din sabihin kahit kanino ang password, huwag i-save automatically sa browser ang password at hindi dapat pare-pareho ang password sa lahat ng account sa internet. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s