“ANG KAILANGAN NG PILIPINAS AY ISANG MATATAG NA BABAE”, BATAYAN NG MGA DATING OPISYAL NG GOBYERNO SA PAGSUPORTA SA KANDIDATURA NI ROBREDO SA PAGKA-PANGULO

CAMARINES NORTE (February 27, 2022) | Binigyang diin ng mga dating opisyal ng Arroyo administration sa kanilang ipinalabas na pahayag na nangangailangan ang Pilipinas ng isang matatag na babae, kung saan kanilang inilalarawan si Besi-Presidente Leni Robredo na may taglay na “lakas ng pagmamahal ng isang ina”, na siyang maaaring gumabay sa mga komunidad tungo sa “landas ng katatagan.”

Sa pamamagitan ni VP Leni ay mananatili tayong ligtas, maibabalik sa dating sigla ang ekonomiya, may matatag na lipunan at ligtas sa panganib na republika, ayon pa sa mga dating opisyal.

Idinagdag pa ng mga dating opisyal na nakikinig din ang Bise Presidente sa mga matataas at ordinaryong tao. Napatitigil niya ang mga nakakalitong boses upang pagsama-samahin ang mga adhikain. Iniaangat niya ang maliliit na negosyo, mangingisda at magsasaka. Tumutulong siya sa paggawa ng produktibo at may patas na bayad sa trabaho sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng negosyo at pamahalaan. Nagsisilbi siyang proteksyon o balabal ng mga mahihina dahil sa sakit, kamangmangan, at kawalan ng katarungan.

Taglay din aniya ni Leni Robredo ang kakayahang pag-isahin o ipunin ang mga pamilya, mga guro at mga paaralan upang malampasan ang krisis sa edukasyon. Ang mga propesyonal kabilang na ang mga abogado, doctor, engineers, mga sikat na artista, civil society, mga responsableng korporasyon sa lipunan at mga kumunidad na namamahagi ng tulong ay sumusuporta din sa likod ng Bise Presidente.

Habang hinaharap ng Pilipinas ang matitinding krisis, sinabi ng grupo na kailangan ng bansa si Robredo upang pamunuan ang mga Pilipino sa pagtugon sa pangangailangan ng bansa.

“Habang dumarami ang mga hamon, mas marami rin ang nagagawa ni Leni Robredo sa mas kakaunting oras”, dagdag pa ng mga dating opisyal.

Kabilang sa mga dating opisyal na lumagda sa pahayag ay si Sen. Leila De Lima, na nagsilbing Chairperson ng Commission on Human Rights, dating Foreign Affairs Secretary Alberto Del Rosario, na ambassador ng Pilipinas sa US noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

At ang iba pa ay sina:

  1. Silvestre Afable Jr., dating OP Communications Director
  2. Estrella Alabastro, dating Kalihim ng Agham at Teknolohiya
  3. Ignacio Bunye, dating Kalihim ng Press
  4. Dante Canlas, dating National Economic and Development Authority director-general at Socio-Economic Planning Secretary
  5. Avelino Cruz, dating Kalihim ng Pagtatanggol
  6. Manuel Dayrit, dating Kalihim ng Kalusugan
  7. Edilberto del Jesus, dating Kalihim ng Edukasyon,
  8. Teresita Deles, dating Presidential Adviser on the Peace Process
  9. Jesli Lapus, dating Kalihim ng Edukasyon at Kalakalan
  10.  Florencio Abad, dating Kalihim ng Edukasyon
  11.  melda Nicolas, dating National Anti-Poverty Commission Lead Convenor
  12.  Joe Nathan Tenefrancia, dating Senior Deputy Executive Secretary para sa Legal Affairs
  13.  Rene Dg Bañez, dating Komisyonado ng BIR
  14.  Veronica Villavicencio, dating NAPC Lead Convenor
  15. Thomas Aquino, dating Trade Undersecretary
  16.  Cliff Burkley, dating Social Welfare Undersecretary
  17.  Vilma Cabrer, dating Social Welfare Undersecretary
  18.  Adrian Cristobal, dating IPO Director-Heneral at Trade Undersecretary
  19.  Cecilio Lorenzo, dating Depensa Undersecretary
  20.  Mateo Montaño, dating Social Welfare Undersecretary
  21.  Alexander Padilla, dating Health Undersecretary
  22.  Francisco Del Rosario, dating Depensa Undersecretary
  23.  Antonio Salvador, dating Presidential Adviser on the Peace Process Undersecretary
  24.  Jose Santos, dating Defense Undersecretary
  25.  Eduardo Escueta, dating vice chairman ng NAPOLCOM
  26.  Diwa Gunigundo, former BSP Deputy Governor
  27.  Ronald Solis, dating Komisyonado ng NTC
  28.  Jorge Sarmiento, dating NTC Deputy Commissioner
  29.  Rene Sarmiento, dating Comelec Commissioner at OPAPP OIC/Undersecretary
  30.  Othello Carag, dating Kalihim ng Katulong sa Pagtatanggol
  31.  Emily Abrera, dating Pangulo ng CCP
  32.  Zorayda Amelia Alonzo, dating HDMF President at CEO
  33.  Victoria Avena, dating PCGG Commissioner
  34.  Edita Bueno, dating Tagapangasiwa ng NEA
  35.  Ruben Carranza, dating PCGG Commissioner
  36.  Mary Anne Colayco, dating ERC Commissioner
  37.  Lilia de Lima, dating PEZA CEO
  38.  Cesar Garcia, dating Hepe ng NICA
  39.  Danilo Gozo, dating Direktor ng PAGCOR
  40.  Francisco Licuanan, dating SBMA Chairman
  41.  Leopoldo Maligalig, dating PMA Superintendent
  42.  Eduardo Matillano, dating PNP Police Director
  43.  Vitaliano Nañagas, dating Development Bank of the Philippines Chairman
  44.  Romero Federico Quimbo, former Pag-IBIG Fund President

Noong nakaraang buwan, ang mga dating opisyal ng gobyerno na nagsilbi sa administrasyong Fidel V. Ramos inendorso din ang kandidatura sa pagkapangulo ni Leni Robredo.

Tinanong din si VP Leni kung ano ang magiging hitsura ng kanyang Gabinete kung manalo siya bilang pangulo. Sinabi ni Robredo na ang mga miyembro nito ay dapat maging “eksperto sa kanilang larangan”, mahusay na mga tagapamahala, at “iginagalang” ng sektor na kanilang pamumunuan.

Idinagdag niya na mahalaga para sa isang Pangulo na ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan sa loob ng Gabinete sa lalong madaling panahon upang hindi ito lumabas sa publiko o magresulta sa mga salungatan sa patakaran. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s