MANG KANOR PINAPARATANGAN SI MAYOR ASCUTIA NA CORRUPT AT MAGNANAKAW, SAGOT NG ALKALDE HUMARAP KA SA SALAMIN

LABO, Camarines Norte (February 24, 2022) | Walang habas umano ngayon at wagas ang ginagawang paninira ni Mang Kanor sa kanyang mga kalaban sa pulitika, maging si Labo Mayor Joseph Ascutia ay biktima rin ng walang patumanggang paninira mula sa Ama, Ina at Anak na mahigit ng 12 taon na nagtatamasa ng karangyaan mula sa yaman ng Camarines Norte.

Ayon kay Mang Kanor si Ascutia daw ay corrupt at magnanakaw, ang sagot naman ng Alkalde:

Ay dimongol yan….. Pumunta ka Mang Kanor sa salamin at tingnan mo ang mukha mo…. huminga ka ng malalim at lumunok ng laway at sabihin mo sa sarili mo… ako pala ang corrupt at magnanakaw…
Screengrab from Facebook account of Mayor Ascutia

Sinabi pa ng opisyal na makapal rin umano ang mukha ni Mang Kanor na magsalita tungkol sa corruption at pagnanakaw, kung saan binanggit nito ang hubad na ebidensya sa patuloy na pagtamasa ng karangyaan ng buong pamilya nito mula sa yaman ng lalawigan.

Idinagdag pa ng Alkalde na marami na umano itong pera at nasa poder pa, kung saan lahat na ng resources ay taglay na ni Mang Kanor. Subalit kung ipabaklas aniya nito ang mga tarpaulins at campaign materials ng katunggali nito sa pulitika ay walang habas at kung siraan nito ang mga kalaban ay wagas.

Dahil sa mga ginagawang ito, tanong ng Alkalde ay nararamdaman na ba nito na siya ay matatalo na? Insecure na ba at wala ng tiwala sa kanyang sarili si Mang Kanor?

Screengrab from Facebook account of Mayor Ascutia

Matatandaan, na kung sa usapin ng pagnanakaw at corruption ay bukas na aklat sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga kinakaharap ni Mang Kanor na mga kasong paglabag sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Act o RA 3019” na nakabinbin sa Ombudsman at Sandigan Bayan.

Maliban pa dito ang inimbestigahan at isinampang kaso sa Ombudsman ng Special Investigation TASK FORCE “SCULPTED PEPPER” mula sa NBI at DOJ tungkol sa pagkamal ng nakaw na yaman o I’ll Gotten Wealth ni Mang Kanor. (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s