BATAS NA LILIMITA SA MGA GROUNDS NG SUBSTITUTION SA MGA KANDIDATO, ISUSULONG NG AKO BICOL PARTYLIST SA SUSUNOD NA KONGRESO

CAMARINES NORTE (February 24, 2022) | Isang panukalang batas upang amyendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code ang ihahain ng Ako Bicol Partylist sa susunod na pagbubukas ng Kongreso.

Ayon ka Atty. Jil Bongalon, 2nd nominee ng Ako Bicol Partylist, nakasaad sa panukalang batas na ihahain sa kongreso na lilimitahan lang sa una, incapacity; pangalawa, disqualification by reason of final judgment; at pangatlo, pagkamatay ng isang kandidato ang magiging grounds para sa substitution.

Sa kasalukuyang election law, ang kandidato ay pwedeng magkaroon ng substitution sa oras na ito ay mamatay, ma-disqualify at mag-withdraw ng kandidatura.

Paliwanag ni Atty. Jil Bongalon, ang “withdrawal” bilang ground para sa substitution ay ang pinaka-naabusong provision ng batas sa kasalukuyan.

Ayon pa sa kanya, ang substitution ng mga boluntaryong nag-withdraw ng kanilang kandidatura ay matagal ng inaabuso kung saan nakasalalay dito ang intensyon ng batas na magkaroon ng patas, matiwasay at malinis na eleksyon.

Tinawag pang isang “mockery” o pangungutya sa batas ni Atty. Jil Bongalon ang naturang gawain ng mga naghain ng kandidatura.

Ako Bicol Partylist, numero 18 sa balota, Katabang na, Kasurog pa! (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s