PANUKALANG BATAS NA MAGHAHATID BENEPISYO SA MGA PUBLIC SCHOOL TEACHERS, ISUSULONG NG AKO BICOL PARTYLIST SA SUSUNOD NA KONGRESO

CAMARINES NORTE, Bicol Region (February 15, 2022) | Bilang pagkilala sa mga public school teachers at sa kanilang hindi matatawarang serbisyo publiko, isang House Bill ang isusulong ng Ako Bicol Partylist (π˜•π˜°.18 𝘴𝘒 𝘣𝘒𝘭𝘰𝘡𝘒), sa susunod na Kongreso upang mabigyan ang mga ito ng diskwento at iba pang mga benepisyo at prebelihiyo.

Ayon kay Atty. Jil Bongalon, 2nd nominee ng Ako Bicol Partylist, prayoridad ng naturang proposed bill na mabigyan ng discount ang mga public school teachers sa kanilang pamasahe sa mga public transportations, health services, hotels at lodging houses, mga kainan at restaurants, recreational at physical fitness facilities.

Dagdag pa ni Bongalon, oras na maisabatas ang nasabing panukala ay mabibigyan ng prayoridad ang mga public school teachers na makapag-loan o maka-utang sa lahat ng government lending institutions ng aabot sa P20,000.00 bilang puhunan sa isang livelihood project o iba pang maaaring pagkaka-kitaang negosyo ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Maliban dito, bibigyan din ang mga public school teacher’s ng discount sa kanilang mga binabayarang buwis ng hindi lalampas sa 10% porsyento ng kanilang taxable income. Ako Bicol Partylist, Katabang Na, Kasurog Pa! (The FENIX Channel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s