TALLADO TINAWAG NA PALYADO NG NDF-BIKOL AT INILANTAD SA PUBLIKO ANG TUNAY NA MUKHA NG PAMAMAHALA SA CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE (January 20, 2022) | Inilantad sa publiko ng National Democratic Front – Bikol (NDF-BIKOL) ang tunay na mukha ng pamamahala ni Edgar Tallado sa probinsya ng Camarines Norte, tinawag din itong Palyado ng nasabing grupo sa kanilang inilabas na Pulpolitiko Score Cards. (Link:(5) Facebook)

Ayon sa NDF-Bikol si Edgar Tallado ay masugid na tagapagtanggol ng kontra-insurhensyang patakaran at mga programang tulad ng EO70-NTF ELCAC at PNP Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

Sinabi pa nito na sa prubinsyang kanyang nasasakupan naitala ang pinakamalaking pagpatay sa isang operasyong SACLEO sa rehiyon. Umaabot umano sa 10 ang napaslang sa loob lamang ng dalawang linggo. Kabilang si Brgy. Kapitan Geoffrey Castillo, Hajie Abanto, Nardo Llorca, Helario Diamante, Melvin Veri Otto, Enrique Cabilles, Arnel “Oca” Candelaria, Nomer “Pindong” Peda, Brgy. Kagawad Menandro Verzo, at Senen “Beth” Inocalla.

Idinagdag pa ng NDF-Bikol na lumalabag din si Tallado sa karapatan ng mamamayan at mga kagawad ng midya sa prubinsya ng Camarines Norte. Ipinakana umano nito ang malawakang pag-atake sa mga mamamahayag na tumutuligsa sa kanyang pamumuno.

Kung saan noong 2020 magkakasabay na sinampahan ng patung-patong na kasong libel at cyber-libel sina Deo Trinidad, Irene Cambronero, Virgilio Avila Jr, Mia Concordia, Bernie Patiag, Rommel Ibasco Fenix at Nolito Banaria.

Inihayag din ng NDF-Bikol na si Tallado ay tagapagtanggol din ng mga malalaking operasyong mina at neoliberal sa prubinsya at may kontrol din umano ito sa maraming dummy corporations sa pagmimina.

Inilantad din ng NDF-Bikol ang binubuo ni Tallado na dinastiyang pulitikal sa Camarines Norte at tagapamandila umano ito ng padrino system sa pulitika.

SEE NDF-BIKOL INFOGRAPHICS:

Source:https://facebook.com/story.php?story_fbid=146597134430550&id=10007240793137

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s