RESULTA NG HALALAN MULA SA PITONG (7) DISTRITO NG CANORECO INILATHALA

TALISAY, Camarines Norte (January 9, 2022) | Inilathala ng Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) sa kanilang Facebook account ang resulta ng magkakasunod na idinaos na District Election para sa pagka-Direktor ng Kooperatiba mula sa pitong (7) distrito.

Isinagawa ang halalan noong December 28, 2021 sa apat (4) na distrito ng Basud, Labo, Mercedes at Vinzons. Samantalang idinaos naman noong December 29, 2021 ang halalan sa tatlong (3) distrito na kinabibilangan ng Daet South at San Lorenzo Ruiz, Jose Panganiban at Paracale.

Sa distrito ng Basud nag-iisang tumakbo si Cesar Elizario na nakakuha ng 19 na boto.

Sa distrito naman ng Labo nag-iisa ring tumakbo si Nicanor Neri na nakakuha ng 11 boto.

Samantalang sa distrito naman ng Mercedes ay nag-iisa ring qualified candidate si Juanito Palmero na nakakuha ng 33 boto.

At sa distrito ng Vinzons ay nag-iisa ring tumakbo si Marcial Ferrer na nakakuha ng 10 boto.

Sumunod dito ay ang halalan sa distrito ng Daet South at San Lorenzo Ruiz, kung saan dalawang magkatunggali ang tumakbo na kinabibilangan ni Engr. Fernando Cruz na nakakuha ng 939 votes na idineklarang panalo at si Sherwin Mata na nakakuha naman ng 913 votes.

Samantalang sa Jose Panganiban district ay dalawa ang naglaban, ito ay sina Rosalino Avila na nakakuha ng 312 votes at si Balbino Boral Jr. na nakakuha naman ng 495 votes.

At panghuli ay sa distrito ng Paracale kung saan ay nag-iisa ring tumakbo para sa nasabing distrito si Engr. Edwin Lamadrid na nakakuha ng 76 votes.

Kaugnay nito, ay pinasalamatan ng Canoreco ang mga Public Schools District Supervisors, mga Principals at mga Member Consumer Owner Officers na nagsilbi bilang District Election Committee (DECOM).

Ganundin ang mga Teachers na nag-serve bilang Precinct Election Committee (PECOM) at mga empleyado ng CANORECO na nag-serve sa nabanggit na halalan ng pitong distrito. (The FENIX Journal)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s