MAYOR ASCUTIA IPINAGMALAKI ANG PAGIGING LABOEÑO AT ANG PAGIGING RANK NO. 2 NG LABO SA PINAKAMAYAYAMANG BAYAN SA BICOL REGION

LABO, Camarines Norte (January 3, 2022) – Ipinagmamalaki kong maging isang Laboeno at ipinagmamalaki kong maging isang Pilipino, ito ang inihayag ni Labo Mayor Joseph Ascutia sa kaniyang Facebook page.

Sinabi ng Alkalde na tatapusin niya ang kaniyang termino bilang alkalde sa darating na Hunyo 30, 2022 at ipinagmamalaki niyang sabihin na ginawa niya ang kaniyang makakaya upang pagsilbihan ang kaniyang bayan at bansa sa abot ng kaniyang makakaya.

Ipinagmalaki din nito na batay sa 2020 COA Annual Financial Report ang bayan ng Labo ay hinirang bilang pangalawa (2nd rank) sa pinakamayamang bayan sa rehiyon ng Bicol na may kabuuang asset na P1.3B pesos.

Ang Region V (Bicol Region) ay binubuo ng isandaan at pitong (107) munisipalidad mula sa anim (6) na probinsya ng rehiyon, kabilang dito ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Ang ranking naman ng mga munisipalidad sa Bicol ay ibinatay sa total amount ng mga ari-arian o Total Assets at Income ng bawat Local Government Units (LGU) batay sa inilabas na 2020 Annual Finacial Report para sa mga lokal na pamahalaan ng Commission on Audit (COA) na isina-publiko sa pamamagitan ng Commission on Audit official website.

Matatandaan na pagsimula ng panunungkulan ni Mayor Ascutia noong 2013 ay aabot lamang sa P289M pesos ang kabuuang asset ng Labo, batay sa inilabas na COA 2013 Annual Financial Report. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s