PRELIMINARY INJUNCTION IPINALABAS NG KORTE PARA PIGILIN ANG 60 DAYS PREVENTIVE SUSPENSION NA IPINATAW NG KAPITOLYO KAY MAYOR JOSEPH ASCUTIA

LABO, Camarines Norte (October 26, 2021) | Tuluyan ng hindi maipapatupad ng Gobernador at Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang 60 days preventive suspension na kanilang ipinataw kay Labo Mayor Joseph Ascutia, sanhi ng pagpapalabas kahapon October 25, 2021 ng Preliminary Injunction mula sa sala ni Presiding Judge Arniel Dating ng Regional Trial Court Branch 41.

Binanggit sa dalawang pahinang Order ng Korte na ang kasong pinagmulan ng pagpataw ng Sangguniang Panlalawigan ng 60 days preventive suspension kay Mayor Ascutia ay siya ring kasama sa kaparehong kaso at reklamong nakapaaloob sa Administrative Case No. 01-2020 na kung saan, ang Sangguniang Panlalawigan ay nakapagpataw na ng anim (6) na buwang suspension na katatapos lang pagsilbihan nitong nakaraang mga araw ng nasabing Alkalde.

Kumbinsido ang hukuman na magreresulta ng labis na pinsala sa mamamayan ng Labo ang ipinataw na suspensyon laban sa Alkalde.

Binigyang diin din ng korte ang umiiral na kasabihan sa latin na “Vox Populi, Vox Dei” o ang “Boses ng Mamamayan ay Boses ng Diyos”, na dahilan umano para pahalagahan ang pagkakahalal ng taumbayan sa isang opisyal kumpara sa rules of succession na sinasabi ng batas.

Dahil dito ay nakita ng hukuman ang mga batayan para magpalabas ng Writ of Preliminary Injunction laban sa Sangguniang Panlalawigan at Gobernador at nag-uutos sa mga ito na itigil ang pagpapatupad ng 60 days preventive suspensyon laban kay Mayor Joseph Ascutia.

Kaugnay nito, ay nagpasalamat naman ang Alkalde kay RTC Branch 41 Presiding Judge Arniel Dating, dahil sa pagpapatupad umano nito ng tamang batas, kaya’t siya ay patuloy na makapaglilingkod bilang Punong Bayan ng Labo, Camarines Norte.

Kaalinsabay din nito ang pagpapasalamat ni Mayor Ascutia sa pamilya ng Barcelona, Jalgalado at Padilla dahil umano sa patuloy na pag suporta ng mga ito sa kanyang nararanasang pang-aapi mula sa mga opisyal ng Kapitolyo ng Camarines Norte. END

Page 1 of Writ of Prliminary Injunction
Page 2 of Writ of Prliminary Injunction

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s