HINDI PRAYORIDAD NA PANDEMIC RESPONSE AT PAGIGING PASIMUNO NG KAPITOLYO SA MASS GATHERINGS SANHI BA NG DUMADAMING KASO NG COVID-19 SA CAMARINES NORTE?

CAMARINES NORTE (September 8, 2021) | Ang hindi ba pagsasa-prayoridad sa COVID-19 response at sa pagiging pasimuno ng Kapitolyo sa super spreader mass gathering events sa Camarines Norte ang sanhi ng patuloy na pagtaas ng kaso ng covid-19 virus sa probinsya?

Patunay sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa lalawigan ay ang inilabas na Public Advisory ng Provincial Health Office (PHO) kahapon, na nagsasabing ang Covid-19 isolation wards ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ay lumampas na sa full capacity nito at ang lahat ng CNPH wards ay punong-puno na, at maaaring maging sanhi ng hawaan ng mga pasyente kung hindi makokontrol ang pagtanggap sa mga isinusugod na pasyente.

Dahil dito, sinabi ng PHO na simula kahapon September 7, 2021 ang CNPH ay pansamantala munang hindi tatanggap ng Covid-19 patients at nililimitahan din ang pagtanggap ng mga non-Covid medical cases.

Copy of Public Advisory signed by Acting PHO Arnel F. Francisco

Subalit sa kabila ng panawagan ng Provincial Health Office sa mga LGU’s na manguna ang mga ito sa pagpapakita ng halimbawa sa pagsunod sa Minimum Health Standards at sa patuloy na pagbigat ng laban ng mamamayan sa COVID-19 ay makikita na ang prayoridad pa rin ng mga opisyal ng Provincial Government ng Camarines Norte ay ang mga sumusunod:

1. Pangangampanya sa pamamagitan ng mass gathering na MULTI SERVICES CARAVAN na kakikitaan ng paglabag sa ipinatutupad na Minimum Health Standards.

2. Paglagay ng pondo sa mga infrastructure projects mula sa utang na mahigit ng ISANG BILYON PISO sa panahon ng pandemya, subalit walang inilalaang pondo para sa epektibong paglaban sa Covid-19, tulad ng pagtayo ng Molecular Testing Laboratory para sa mabilis na testing capability na mag-reresulta sa epektibong contact tracing at isolation, pagbili ng gamot para sa pagpapagaling sa mga pasyenteng tinamaan ng Covid-19..

3. Pagsuspendi sa mga opisyal ng munisipyo na hindi kapartido tulad ng mga opisyal sa bayan ng Labo, Paracale at Capalonga, Camarines Norte.

Sa kasalukuyan ay makikita lang na naka-focus ang Kapitolyo sa kumikitang Antigen Testing sa dalawang (2) border control check point ng probinsya, na ang pinagbabayad sa pribadong kompanya na gumagawa ng testing ay ang mamamayan na dapat ay pinoproteksyonan laban sa Covid-19.

Sa ngayon, dahil sa kawalan ng sariling molecular laboratory ay nanatili pa ring mabagal ang pagdetermina kung positive o hindi sa covid ang pasyente, resulta nito ay hindi agad  naipapadala para sa genome sequencing ang resulta lalo ngayong kinumpirma na ng DOH na nakapasok na ang Delta Variant sa lalawigan ng Camarines Norte. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s