HOUSE BILL 9182, NAGDEDEKLARA SA AGOSTO 30 BILANG “NATIONAL PRESS FREEDOM DAY” APRUB NA SA KAMARA AYON SA AKO BIKOL

DAET, Camarines Norte (September 2, 2021) | Kinumpirma kahapon September 1, 2021 sa isinagawang press conference sa bayan ng Daet, Camarines Norte ni Ako Bikol Congressman Alfredo Garbin Jr na aprubado na sa House of Representatives ang House Bill No. 9182, na nagdedeklara sa Agosto 30 ng bawat taon bilang “National Press Freedom Day”.

Sa tanong ng Fenix News I-RTV sinabi ni Cong. Pido Garbin na ang HB 9182 ay may titulong “An Act Declaring August 30 of every year as National Press Freedom Day” ay ganap na naipasa sa third reading noong June 2, 2021 at ng sumunod na araw June 3, 2021 ay naisagawa ang transmittal ng nasabing panukala sa Senado.

Ayon kay Garbin isinulong ng Ako Bikol ang HB 9218 bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng pamamahayag sa ating lipunan na pangunahing kasangkapan tungo sa kaayusan at malinis na pamamahala sa gobyerno. Partikular na binanggit ng Kongresista ang pagkilala sa karangalan ni Marcelo H. Del Pilar, ang ama ng Giornalismo sa Pilipinas na ipinanganak noong Agosto 30, 1850 na nakilala sa kanyang panulat na pangalan bilang “PLARIDEL”.

Makikita naman batay sa Committee Report No. 910 ng Committee on Public Information ng Kamara na ang mga pangunahing may akda ng HB 9218 ay sina Ako Bikol Party List Representatives Cong. Alfredo A. Garbin Jr., Cong. Elizaldy S. Co, at kabilang din dito sina Jose Antonio R. Sy-Alvarado, Joseph L. Lara, Gabriel H. Bordado Jr., Ron P. Salo, Amihilda J. Sangcopan, Ramon V. Guico III, Cezar L. Jimenez Jr., Bienvenido M. Abante Jr., Gavini C. Pancho, Ian Paul L. Dy, France L. Castro, Robert Ace S. Barbers, Evelina G. Escudero, Sara Jane I. Elago at Deogracias Victor V. Savellano bilang mga may akda.

See attached copy of HB 9218 (full text), Committee Report 910 and Fact Sheet:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s