COVID-19 PATIENT SA BAYAN NG LABO ISANG BESES NA LANG KUMAKAIN SA ISANG ARAW DAHIL SA PANGGIGIPIT NG KAPITOLYO SA MUNISIPYO

LABO, Camarines Norte (August 30, 2021) | Isang beses na lang kumakain sa loob ng isang araw at umaasa na lang kung may magpapadala ng tulong, ito ang inihayag ng isang pasyenteng positibo sa Covid-19 na nasa quarantine facility sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Natuklasan ang suliraning ito matapos dumalaw sa quarantine facility si Mayor Joseph Ascutia at nakausap ang pasyente sa nasabing pasilidad.

Ayon sa Alkalde, sa kanyang pagtatanong kung saan kumukuha ng pagkain ang pasyente ay sinabi nitong may nagpadala umano sa kanya ng biscuit at kape, kaya’t yun ang kanyang kinakain dahil isang beses na lang umano ito kumakain sa loob ng isang araw.

Dahil dito, ayon kay Mayor Ascutia ay parang dinurog ang kanyang puso ko at nakagat niya ang kanyang labi para pigilan ang pag tulo ng kanyang luha. Upang makatulong ay mabilis umanong nagpaluto ng kanin at ulam ang Alkalde at ipinadala sa quarantine facility.

Kaugnay nito, ay ipinaliwanag ng Mayor na ang LGU-Labo ay nagbibigay ng pondo sa limamput dalawang (52) barangay para gamitin sa pagtugon laban sa Covid-19, kung saan, kabilang dito ang libreng pagkain sa mga quarantine facilities sa bayan ng Labo.

Subalit dahil sa hindi pag-aprub ng Kapitolyo sa 2021 Annual Budget ng Munisipyo, ay hindi na nabibigyan ng pondo ang 52 barangays. Ayon pa kay Mayor Ascutia, tanging ang LGU-Labo lang umano ang nagbibigay ng pondo sa bawat barangay ng Labo upang may mapagkunan sa pagpapagaan ng epekto ng Covid-19.

Matatandaan na bukod sa hindi pag-aprub ng Kapitolyo sa 2021 Annual Budget ng LGU-Labo ay makailang ulit ng sinuspinde ng kapitolyo si Mayor Ascutia, kung saan hindi pa nasiyahan sa mga pang-aaping ito ang mga nagsasabwatang PERWISYO sa KAPITOLYO, dahil maging si Acting Mayor Alvin Bardon ay pinatatalsik na rin sa pwesto.

Sa dakong huli, nag-iwan ng makahulugang mga kataga ang pangunahing biktima ng Kapitolyo na Alkalde ng Labo:

“HINDI namin makakalimutan ang pang-aapi na ginagawa ninyo sa bayan namin.” We will NEVER forget. For the LOVE of our country. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s