PERWISYONG HATID NG PAGPAPAHIRAP NG KAPITOLYO SA MAMAMAYAN NG LABO INILAHAD NI MAYOR JOSEPH ASCUTIA


Photo credit to Mayor Joseph Ascutia and Oscar Jr Oning

LABO, Camarines Norte (August 28, 2021) | Detalyadong inilahad ni Labo Mayor Joseph V. Ascutia ang epekto ng patuloy na pang-aapi at pagpapahirap ng KAPITOLYO sa sektor ng mga tagapag-hatid ng batayang serbisyo sa mamamayan ng bawat barangay at sa mismong masamang epekto sa mamamayan ng bayan na nangangailangan ng SERBISYO ng munisipyo.

Ayon kay Mayor Ascutia, nagpatawag ng Municipal Development Council (MDC) meeting ang munisipyo ng Labo para pag-usapan ang 2021 Annual Budget na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaaprubahan ng Sangguniang Panglalawigan.

Pero hindi umano dumating ang karamihan sa mga Punong Barangay dahil sa pulitikang dahilan at pagkontrol dito ng isang PERWISYONG opisyal.

Dahil dito, ayon sa Alkalde ang mga taong lubos na apektado ay ang mga kabarangay mismo ng mga Punong Barangay na kontrolado ng pampulitikang interes ng PERWISYONG opisyal sa KAPITOLYO.

Ang malubhang epekto aniya nito ay walang matatanggap na honorarium ang mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Tanods, Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Day Care Workers ng limampu’t dalawang (52) Barangay ng Labo, Camarines Norte.

Wala din umanong matatanggap na monthly food supplies ang mga bedridden o mga nakaratay at may karamdaman na mamamayan mula sa 52 barangay ng nasabing bayan. Wala din matatanggap na monthly food supplies at medicine supplies ang mga mentally challenge persons.

Ganun din ay mawawala ang dating tinatanggap na birthday gifts ng mga senior citizens at ang masaklap pa ay mawawala din ang burial assistance sa mga namamarangay na namatayan ng kapamilya.

Damay din aniya dito ang honorarium ng mga volunteer teachers sa bayan ng Labo, maging ang pagbibigay ng gasolina sa mga mamamayan na gagamit ng sasakyan ng munisipyo ay mawawala din.

Ayon pa kay Mayor Ascutia, napakaraming social services ang hindi naisasakatuparan dahil sa maling pamumulitika ng perwisyong opisyal.

Kaya’t tanong tuloy ng Alkalde sa mga opisyal ng kapitolyo: “Akala ko ba ay SERBISYO ang bigay nyo? Subalit napapatunayan ngayon na PERWISYO pala ang dala ninyo.

Sinabi pa ng Mayor na darating ang 2022, naniniwala siya na ang mga taga Labo ay hindi na maloloko ng PERWISYO sa KAPITOLYO, at hindi na rin aniya nito kayang bilihin ang paninindigan ng Laboeno’s.

Sa kabila nito may dasal pa rin ang Mayor sa mga ito: GOD have mercy on you!

Kasunod ang sigaw na: HINDI KAMI BULAG at GISING NA GISING NA KAMI! Sa pagwawakas ng Alkalde, ipinakita muli nito ang tatak MJVA na mga kataga ng pagmamahal sa bayan. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s