IMBISTIGASYON SA REKLAMONG KATIWALIAN SA GOBERNADOR NG CAMARINES NORTE INILIPAT NG TASK FORCE AGAINST CORRUPTION SA DILG

CAMARINES NORTE, Bicol, PH (August 27, 2021) | Inilipat na ng Task Force Against Corruption (TFAC) sa tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-iimbistiga sa mga kinakaharap na reklamo ng katiwalian laban kay Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.

Ang paglipat ng imbistigasyon sa reklamong katiwalian kay Gob. Tallado mula sa TFAC patungo sa DILG ay makikita sa sulat na ipinadala ni DOJ Assistant Secretary Margaret V. Castillo Padilla ng Task Force Against Corruption Operations Center kay DILG Secretary Eduardo Año.

Copy of the letter of Asst. Secretary Margaret V. Castillo Padilla to Secretary Eduardo Año

Kung saan sinabi sa sulat na ang pagpasa sa DILG ng responsibilidad sa imbestigasyon, at sa mga records o dokumento hinggil sa reklamong katiwalian kay Tallado ay para sa pagsasagawa ng kaukulang aksiyon at imbistigasyon dahil si Tallado ay isang Elected Local Official na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DILG.

Ang imbistigasyon ng katiwalian laban kay Tallado sa tanggapan ng Task Force Against Corruption ay batay sa reklamong inihain ng dalawang negosyanteng sina Angelito De Lemon Burac  at Henry Kal El Zabala laban sa Gobernador, na nag-ugat naman sa monopolyadong negosyo ng sand and gravel at quarry operation sa lalawigan ng Camarines Norte.

Resulta nito, nakaranas ng ibayong pahirap at perwisyo ang dalawang (2) nagrereklamong negosyante sa kanilang hangaring kumuha ng Sand and Gravel Quarry Permit mula sa Kapitolyo ng Probinsya. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s