CAMNORTE GOV KUMAMBYO MATAPOS MAKIPAGMATIGASAN SA DILG-RD AT BICOL-IATF CHAIR SA ISYU NG MANDATORY RAPID ANTIGEN TESTING SA LAHAT NG PAPASOK SA PROBINSYA

CAMARINES NORTE, Bicol, PH (August 21, 2021) | Biglang kumambyo si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado sa kanyang desisyon na sumailalim sa Rapid Antigen Testing ang lahat ng mga indibidwal kabilang ang mga APOR’s na papasok sa lalawigan ng Camarines Norte, matapos na ito ay makipagmatigasan kay DILG Regional Director at Bicol-IATF Chair Atty. Anthony C. Nuyda.


Nauna dito si Tallado ay nag-isyu ng KAUTUSANG TAGAPAGGANAP Blg. 27 s 2021 na nagsasabi na umpisa ika-5 ng Agosto 2021, partikular na nakasaad sa Section 5, Paragraph A, na “Ang lahat ng mga indibidwal na papasok sa lalawigan pati ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) ay isasailalim sa “Rapid Antigen Test” sa dalawang Quarantine Control Points sa Barangay Tuaca, Basud at sa Barangay Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte na parehong mayroong Antigen Testing Booth.”

Screen crop from the copy of Kautusang Tagapagganap Blg. 27 s 2021

Kasunod nito noong August 6, 2021, dahil sa reklamo ng mga tao na nakarating sa DILG Regional Office at Bicol-IATF at sa pagrepaso sa kautusan ng Gobernador ay nakita na ito ay lumalabag sa ipinatutupad na panuntunan ng National Inter-Agency Task Force (IATF), dahil dito, ay nagpadala ng sulat kay Gobernador Tallado ang Chairman ng Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF) sa katauhan ni DILG Bicol Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda upang ipaalam sa Gobernador na ang naturang requirement na nakasaad sa kautusan ay labag sa national policies.

Copy of the letter from DILG-RD and Bicol-IATF Chair

Kaugnay nito noong August 11, 2021, matapang na sagot naman sa pamamagitan ng dalawang (2) pahinang sulat ang ipinadala ni Gobernador Tallado kay DILG-RD/BIATF Chair Atty. Anthony Nuyda, kung saan binanggit nito na ang kanyang kautusan ay hindi unreasonable at baseless, kinuwestyon din ni Tallado batay sa sulat kung bakit si Bicol-IATF Chair Nuyda at ang mga personnel nito sa DILG ay ayaw sumunod sa ipinatutupad na testing requirements.
Karugtong nito, ay pinanindigan ni Tallado na kahit si DILG-RD Anthony Nuyda sakaling ito ay papasok ng Camarines Norte ay kailangan din nitong sumailalim sa Rapid Antigen Testing sa Boundary Check Point o di kaya ay mag-pakita ang Bicol-IATF Chair ng Negative Result ng Swab or Rapid Antigen Test.

Copy of the two (2) pages letter of Gov. Tallado to DILG-RD Nuyda - page 1
Copy of the two (2) pages letter of Gov. Tallado to DILG-RD Nuyda - page 2

Subalit kahapon August 20, 2021, biglang kumambyo sa kanyang paninindigan si Gobernador Tallado matapos na ipalabas nito ang ADVISORY mula sa Provincial Incident Management Team sa ilalim ng Provincial Task Force-Covid-19 na may lagda ni Atty. Don H. Culvera, Provincial Legal Officer/Unified Incident Commander na inaprubahaan at nilagdaan din ni Gobernador Tallado, at nagsasabi na “Ang lahat ng mga travellers na papasok sa probinsya ng Camarines Norte mula sa High Risk Areas na pinag-classified ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay dapat mag-sumite ng negative result ng RT-PCR o Rapid Antigen Test.” Batay dito ay ipinakakahulugan na ang mga manggagaling sa lugar na hindi classified na “High Risk Areas” ay hindi na kailangan mag-sumite ng negative result ng RT-PCR o Rapid Antigen Test o hindi na sasailalim sa Rapid Antigen Testing sa dalawang boundary check points.

Copy of ADVISORY from Provincial Incident Management Team and Provincial Task Force-Covid-19

Samantalang, sa huling paragraph ng ipinalabas na Advisory ni Culvera at Tallado ay sinabi dito na ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) ay kailangan na lang magpakita ng Travel Order mula sa ahensya o Opisina nito, at Travel Authority mula sa Provincial Government. Kung saan, hindi na binanggit dito ang pagsasailalim ng mga APOR’s sa Rapid Antigen Test. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s