PANUKALA NG MINORITY BOARD MEMBERS NA “LIVE COVERAGE” SA FACEBOOK, RADYO AT TV NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SESSIONS IBINASURA NG MAJORITY BOARD MEMBERS SA CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE (August 19, 2021) | Ibinasura ng mga kasapi ng administrasyon sa Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang panukalang isinulong ng tatlong (3) myembro ng oposisyon na isagawa ang “LIVE COVERAGE” sa FACEBOOK, RADYO at TV ng mga idinadaos na sessions ng nasabing kapulungan.

Ang nabanggit na panukala na isinulong nina Board Member Arthur Michael G. Canlas, Board Member Atty. Godfrey Parale at Board Member Walter Randolph C. Jalgalado ay nakapaloob sa Draft Resolution No. 120, na may titulong “ISANG KAPASYAHAN NG PAGBABAGO (AMENDMENTS) SA PROVINCIAL ORDINANCE 45-2016 ANG INTERNAL RULES OF ORDER OF THE SANGGUNIANG PANLALAWIGAN OF CAMARINES NORTE”.

Layunin ng resolusyon na maidagdag sa Rule 4 ng ordinansa ang Live Coverage sa Facebook na patatakbuhin ng sariling Facebook account at Facebook page ng Sangguniang Panlalawigan, upang makapag-cover ang media kahit wala sa Sangguniang Panlalawigan at upang maging bukas din sa mga mamamayan ng Camarines Norte ang mga isinasagawang sessions.

Kabilang din sa panukala na gawing live on air sa Radyo Pilipinas at magkaroon ng arrangement sa local TV upang mailabas din sa iba pang audience ang Sangguniang Panlalawigan Sessions partikular ngayong panahon ng pandemya na nagpapatupad ng paghihigpit ang kapulungan at requirement ang pagsasailalim sa Rapid Antigen Testing sa mga nagnanais na dumalo sa SP sessions maging ito man ay media o observers.

Binanggit din sa layunin ng pagsulong ng resolusyon ay ang maproteksyunan ang mga Bokal at Kawani ng Sangguniang Panlalawigan laban sa Covid-19 at higit sa lahat ay upang maging bukas o transparent sa mamamayan ang mga usapin na tinatalakay sa Sangguniang Panlalawigan.

Copy of Draft Resolution No. 120

Samantala, sinabi naman ni Board Member Michael Canlas na ang nakikita nilang motibo sa pagbasura sa panukala ay para makontrol pa rin ng Sangguniang Panlalawigan ang mga impormasyon at sagkaan ang media sa pag-cover ng session sa pamamagitan ng pagsasailalim sa Antigen Testing kung saan ang sarili lamang na SP Press Corp ang makapag monopolyo ng impormasyon.

“Yun ang ayaw at pinag dis aprub nila..pra nga nman my kontrol prin sila sa media na pigilan at higpitan sa antigen at ppiliin ng sabing SP Pres.cor.dw ang magko cover evey sesion…kaya ayw nila ng Sariling Sp Live Coverage pra kontrolado prin nila ang media”, ayon kay Bokal Canlas.

Ang mga kasapi ng majority Board Members sa Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Artemio Serdon Jr, Reynoir Quibral, Aida Dasco, Renee Depante, Renato Moreno, Joseph Stanley Alegre, Ramon Baning-ABC, Leonardo Baning-PCL, Michael Rowell Aling-SK at ang Presiding Chair ay si Board Member Concon Panotes na tumatayo bilang Acting Vice Governor. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s