PATAKARAN NG KAPITOLYO NA PAGSAILALIM SA RAPID ANTIGEN TEST SA LAHAT NG PAPASOK SA CAMARINES NORTE LABAG SA NATIONAL POLICY AYON SA BICOL-IATF

DILG Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda sent letter to Gov. Edgardo Tallado citing Tallado's policy is violative in national policy

CAMARINES NORTE (August 11, 2021) | Labag sa ipinatutupad ng National Inter-Agency Task Force (IATF) ang patakaran ng Provincial Government na isailalim sa Rapid Antigen Testing ang lahat ng mga indibidwal na papasok sa probinsya ng Camarines Norte ayon sa Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF).

Dahil dito, ay nagpadala ng sulat kay Gobernador Edgardo Tallado ang Chairman ng Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF) sa katauhan ni DILG Bicol Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda upang ipaalam sa Gobernador na ang naturang requirement ay labag sa national policies.

Copy of the letter sent to Gov. Tallado by the DILG Regional Director and BIATF Chairman

Partikular na binanggit ni Nuyda sa sulat nito kay Tallado na may petsa Agosto 6, 2021 ay ang requirement na pagsasailalim sa Rapid Antigen Testing sa lahat ng mga indibidwal na papasok sa probinsya na ipinag-uutos ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 27 s. 2021 na ipinalabas ng Gobernador noong ika-5 ng Agosto 2021. Binigyang diin ng BIATF Chairman sa kanyang sulat sa Gobernador na kabilang sa naturang kautusan ay ang pagsailalim sa Antigen Testing maging ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR’s), DILG personnel at iba pang mga kinatawan mula sa National Government Agencies (NGA’s) na nagpapatupad ng kani-kanilang official functions sa probinsya ng Camarines Norte.

Kaugnay nito sinabi ni Nuyda, bilang DILG Regional Director at BIATF Chairman siya ay may tungkulin na ipatupad ng pantay-pantay ang mga pambansang patakaran sa rehiyon. Kaya’t ang pagsasailalim ng mga personnel ng DILG at NGA’s sa ipinatutupad na requirement ng Gobernador ay nilalabag naman ng DILG Regional Director ang kanyang sariling ipinatutupad na tungkulin.

Kasunod nito, ay pinayuhan ni Atty. Nuyda si Tallado na ihanay o iakma nito ang kanyang mga local policies sa national policies. Kaalinsabay nito ay ipinag-utos ni Nuyda sa mga DILG personnel at kawani ng NGA’s na gumaganap sa kanilang mga official functions sa probinsya na huwag sumunod sa pagsasailalim sa Rapid Antigen Testing sa “provincial borders” ng Camarines Norte, dahil ito ay lumalabag sa national policies. END

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s