1 MAYOR, 3 PROV’L BOARD MEMBERS, 1 BRGY COUNCIL NAGPAKITA NG PANININDIGAN LABAN SA NAKA-AMBANG PINSALA NG PAGPASOK NG PAGMIMINA SA BAYBAYIN NG 4 NA BAYAN SA CAMARINES NORTE

Standup against destructive mining

Camarines Norte (September 14, 2019) | Nagpakita ng paninindigan laban sa pagpasok ng mapaminsalang pagmimina sa dalampasigan ng apat na bayan ng Daet, Talisay, Vinzons at Paracale, Camarines Norte ang isang (1) Alkalde, tatlong (3) myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte at isang Barangay Council.

Unang ipinakita ni Talisay Mayor Donavan A. Mancinedo ang kanyang malakas na pagtutol at pagsalungat sa pamamagitan ng isang sulat may petsa Hulyo 31, 2019 na ipinadala nito sa tanggapan ni DENR-Mines & Geosciences Bureau OIC Regional Director Guillermo A. Molina Jr.

Binigyang diin ni Mancinedo sa sulat na hindi sila pumapayag sa anumang commercial mining activity na maaaring gawin ng Ephesus Mineral Corp sa dalampasigan ng Barangay San Jose at Barangay Del Carmen, Talisay, Camarines Norte dahil ito ay lubhang makakaapekto sa kanilang Tourism Development Plan na bahagi ng kaniyang Executive Agenda.

READ SCREENSHOT OF THE LETTER:

FB_IMG_1568274568067

Photo credit D’LGU Talisay CN

Kasunod nito, noong Agosto 6, 2019 ay gumawa ng Barangay Resolution Blg. 27 T. 2019 ang Sangguniang Barangay ng Del Carmen, Talisay na may titulong “Pasiya ng Sangguniang Barangay na humihiling sa tanggapan ng Punong Bayan Kgg. Donavan Mancenido na huwag payagan ang Ephesus Minerals Corp. sa kanilang gagawing pagmimina sa nasasakupan ng Barangay Del Carmen at Brgy. San Jose, Talisay, Camarines Norte”.

READ SCREENSHOT OF BARANGAY RESOLUTION:

FB_IMG_1568422862398

Photo credit D’LGU Talisay CN

Karugtong nito, ay nanindigan din ang tatlong (3) myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte na sina Board Members Arthur Michael G. Canlas, Atty. Godfrey A. Parale at Dr. Walter Randolph C. Jalgalado kontra sa application for exploration permit ng Ephesus Minerals Corp sa pamamagitan ng paghain ng Kapasiyahan noong September 10, 2019 sa Sangguniang Panlalawigan na may titulong “Resolution urgently requesting the OIC Regional Director, Mines and Geosciences Bureau, DENR before the Sangguniang Panlalawigan to Spell Out the details of the Application of Ephesus Minerals Corporation for the Exploration of Magnitite Sand, Gold and other minerals covering that MUST BE STOPPED AND DENIED PURSUANT TO SECTION 203 & 204, DENR ADMINISTRATIVE ORDER 2010-21 in view of widespread public protest to preserve the environment for the General Welfare of the People”.

READ SCREENSHOT OF THE RESOLUTION:

received_737556540015655

Photo Credit Board Member Mike Canlas

Sa kabilang dako, ay marami sa mamamayan ng Camarines Norte ang naniniwala na walang maaasahan ang mamamayan na susuporta sa pagkontra sa mapaminsalang pagmimina ang nakaupong Gobernador na si Edgardo Tallado sampu ng mgqa kaalyado nitong Board Members at Mayors sapagkat public knowledge sa probinsya ang pagiging pangunahing tagapagtaguyod nito at pangunguna sa mga naganap na mapaminsalang pagmimina sa Camarines Norte kamakailan.

NOTE:

Ang The FENIX Files ay tumatanggap ng mga mensahe at dokumento ng pagtutol sa mapaminsalang pagmmina kaalinsabay ng panawagan sa mga nagmamalasakit na mamamayan at opisyal ng Camarines Norte na mangyari lamang na iparating ang inyong suporta sa pamamagitan ng aming website: www.fenixfilesblog.wordpress.com at Facebook page: www.facebook.com/fenixfiles upang maibilang namin ito sa bawat pag-update na aming isasagawa. (TheFENIXFiles)

One thought on “1 MAYOR, 3 PROV’L BOARD MEMBERS, 1 BRGY COUNCIL NAGPAKITA NG PANININDIGAN LABAN SA NAKA-AMBANG PINSALA NG PAGPASOK NG PAGMIMINA SA BAYBAYIN NG 4 NA BAYAN SA CAMARINES NORTE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s