P110 MILLION INCOME NAWAWALA SA OPERASYON NG PRIME WATER SA CAMARINES NORTE, KAPABAYAAN NG CNWD-CMU SA PAGPAPATUPAD NG JVA NAKITA NG COA

P110M nawawala Prime Water

Camarines Norte (September 4, 2019) | Nagtamo ng tinatayang aabot sa P110,022,274.25 million ang nawawalang benta ng Prime Water Camarines Norte sa loob ng buong isang taon (2018) na operasyon nito ayon sa pinakahuling pagsusuri na inilabas ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA ay hindi nagawang ipatupad ng Camarines Norte Water District – Contract Monitoring Unit (CNWD-CMU) ang mga pinagkasunduan sa Joint Venture Agreement (JVA) partikular ang pagpapababa sa Non Revenue Water (NRW) kung saan pinapayagan lamang ayon sa patakaran ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang acceptable limit na 20 percent na distribution losses.

BACKGROUND

Ang Camarines Norte Water District ay nabuo noong November 8,1973 sa pamamagitan ng Provincial Board Resolution 73 at sa bisa ng Presidential Decree (PD) 198  na kilala sa titulong Water Utilities Act of 1973.

Noong January 14, 2016, ang CNWD at PrimeWater Infrastructure Corp. (PrimeWater) ay lumagda sa Joint Venture Agreement (JVA) na tatagal ng 25 taon. Ang layunin diumano ng pagpasok sa JVA ay mapataas ang antas ng serbisyo na pagsupply ng tubig sa mga kunsomidores ng Water District. Nagsimulang ipatupad ang JVA noong March 17, 2016, at sa araw na ito ay sinimulan ng PrimeWater ang pangangasiwa ng operasyon at mga transaksyon ng CNWD.

Nakapaloob din sa JVA ang pananatili ng CNWD Board of Directors at General Manager na siyang mamumuno sa binuong CNWD – Contract Monitoring Unit (CMU). Ang CMU ay binubuo ng 10 personnel at ito ay pinamumunuuan ng General Manager at ang obligasyon ng CNWD-CMU ay siguruhin na tumutupad ang PrimeWater sa pinagkasunduan ayon sa mga probisyon na nakapaloob sa JVA.

LATEST ANNUAL AUDIT

Batay sa Monthly Data Sheet na sinuri ng COA mula Enero 2018 hanggang December 31, 2018 ay umaabot sa 14,027,585 million cubic meters ang naging kabuuang water production ng PrimeWater subalit umaabot lamang sa 6,685,067 million cubic meters ang accounted na naibenta ng PrimeWater samantalang ang umaabot sa 7,342,518 million cubic meters na water production ng PrimeWater ay unaccounted. Ayon sa COA ay 20 percent lamang ng kabuuang water produced ang allowable na non-revenue water o unaccounted water consumption.

Dahilan sa 20 porsyento lamang ang pinahihintulutang non-revenue water ay dapat na aabot lamang ito sa 2,805,517 million cubic meters, kung saan sa pagsusuri ng COA ay aabot sa 4,537,001 million cubic meters ang tinatayang nawawalang sales o benta ng CNWD-PrimeWater at ito ay umaabot umano sa katumbas na halaga na P110,022,274.25 million pesos ang nawawalang sales ng Water District.

Sa huli, ay inirekumenda ng Commision on Audit sa CNWD-CMU na ayusin ang kanilang pag-monitor at pagpapataw ng mahigpit na pagpapasunod sa PrimeWater na gampanan nito ang mga terms and conditions na nakapaloob sa Joint Venture Agreement partikular sa isyu ng nawawalang water production. Sakaling hindi pa rin umano masunod ito ng PrimeWater ay kinakailangan ng gumawa na ng nararapat na aksyon ang CNWD-CMU. (TheFENIXFiles)

Source: https://www.coa.gov.ph/index.php/gov-t-owned-and-or-controlled-corp-goccs/2018/category/7767-water-districts

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s