RA-11399 BATAS SA PAGPAPALIT NG CNSC BILANG UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE, NILAGDAAN NA NI PANGULONG DUTERTE

RA 11399

Camarines Norte (August 30, 2019) | Ganap ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 22, 2019 ang batas na nagpapalit sa Camarines Norte State College (CNSC) bilang isang state university, ito ay ang Republic Act No. 11399 na kikilalanin sa tawag na “AN ACT CONVERTING THE CAMARINES NORTE STATE COLLEGE (CNSC) IN THE MUNICIPALITY OF DAET, PROVINCE OF CAMARINES NORTE INTO A STATE UNIVERSITY TO BE KNOWN AS THE UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE (UCN), AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR”.

Ang confirmation at transmittal letter hinggil sa paglagda ng Pangulo sa RA-11399 ay may lagda ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea at ito ay ganap na natanggap dakong alas 2:05 ng hapon noong Agosto 27, 2019 ng tanggapan ni House Speaker Alan Peter S. Cayetano.

See attached copy of transmittal letter:

New Doc 2019-08-30 08.21.56_1

Magugunita na ang nasabing batas RA 11399 ay nagmula sa orihinal na panukalang batas bilang House Bill No. 637 kung saan ang principal author ay si dating Cam Norte 1st District Congressman Renato J. Unico, Jr., na pinag-renumbered sa bilang na House Bill No. 8800 ng Committee on Higher and Technical Education, Appropriations at Ways and Means ang panukalang batas na nagko-convert sa Camarines Norte State College (CNSC) bilang State University.

Karugtong nito ay nagtagumpay si Cong. Unico na ipaglaban at idepensa ang HB 8800 noong Enero 30, 2019 sa ginawang Senate Hearing na pinangunahan ng kometiba ni Senador Chiz Escudero, chairman ng Senate Committee on Education at Senate Minority Leader Juan Miguel Zubiri, para sa karagdagang mga detalye kaugnay sa history ng RA 11399 ay maaari itong basahin sa mga sumusunod na link:

https://fenixfilesblog.wordpress.com/2019/01/30/house-bill-8800-tagumpay-na-nai-depensa-ni-camnorte-1st-dist-cong-unico-panukala-inaasahan-na-magiging-ganap-na-batas-bago-matapos-ang-17th-congress/

https://fenixfilesblog.wordpress.com/2019/01/29/cam-norte-1st-district-cong-unico-principal-author-ng-panukalang-conversion-ng-cnsc-bilang-state-university-inimbitahan-na-dumalo-sa-joint-public-hearing-ng-senado-bukas/?

Ang The FENIX Files ay nagpupugay sa legacy na pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon na patuloy na ibinahagi ng pamilya Unico sa lalawigan ng Camarines Norte mula kay Unico Sr. na AMA ng Camarines Norte State College (CNSC) hanggang sa anak Unico Jr. na AMA ng University of Camarines Norte (UCN). (TheFenixFiles)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s