“HIGIT SA SALITA PAGPAYAMAN GAWA”, dating ordinaryong MILYONARYO ngayon ay MULTI-MILYONARYO na si Gob. Tallado ayon sa kanyang SALN

HIGIT SA SALITA PAGPAYAMAN GAWA

Camarines Norte (March 24, 2019) | Nananatiling dukha ang mamamayan ng Camarines Norte subalit ang kanilang iniluklok na Gobernador ay lalo namang yumayaman.

“HIGIT SA SALITA PAGPAPAYAMAN ANG GAWA”. Mula sa pagiging ordinaryong milyonaryo ng maupo sa Kapitolyo, ngayon ay isa ng multi-milyonaryo si Gob. Edgardo Tallado, ayon sa isinasaad ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

NBI PROBE FINDINGS SHOWING UNEXPLAINED OR ILL-GOTTEN WEALTH

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang ginawang pagsusuri at pagkukumpara sa 2010 at 2011 Statement of Assets, Liabilities and Networth ni Gob. Tallado ay makikita ang biglaang pag-laki ng yaman nito, mula sa P62,970,000.00 million sa 2010 SALN, biglang umangat ang yaman nito sa P162,322,861.00 million sa 2011 SALN, makikita ayon sa NBI ang hindi maipaliwanag na pag-taas ng yaman ni Tallado na umaabot sa halagang P99,352,861.00 million.

Ayon pa sa NBI, sa 2010 SALN ni Tallado ay ideneklara nito ang halagang P4,500,000.00 million bilang personal at other properties. Subalit pagsapit ng 2011 ay bigla itong lumaki sa halagang P15,000,000.00 million, maliban pa sa biglang pagkaroon nito ng halagang P35,380,175.00 million na cash in bank sa 2011 SALN.

Sinabi pa ng NBI na maliban sa nabanggit na yaman, real at personal properties ni Gob. Tallado ay mayroon pa rin itong mga hindi ideneklarang ari-arian sa kanyang SALN na matatagpuan sa Tagaytay, Cavite at Antipolo kung saan ito ay lumitaw sa kanilang verification sa Land Registration Authority (LRA).

Binanggit ng NBI na malinaw na nabigo si Gob. Edgardo Tallado na magsumite ng “TRUE DETAILED” at sworn statement of assets and libilities, kabilang ang statement of amounts at “SOURCES OF INCOME”. Mapapansin umano sa 2010 at 2011 SALN na ang pag-angat ng yaman ni Tallado ay nagpapakita na ito ay lagpas sa kanyang sweldo bilang Gobernador samantalang ang deklarado lamang umano na negosyo ni Tallado ay ang Vinhar Construction and Marketing lamang.

THE FENIX FILES INVESTIGATIVE RESEARCH

Karugtong nito, muli namang nagkaroon ng hindi maipa-liwanag na paglobo sa kayamanan ni Gob. Tallado batay sa sinasabi ng kanyang 2013 at 2014 SALN.  Kung ikukumpara ang 2013 at 2014 SALN ni Gob. Tallado ay makikita ang muling paglobo ng kanyang kayamanan mula sa P133,824,400.00 million sa 2013 SALN ay lumaki ito sa halagang P224,890,800.00 million kung saan umaabot sa halagang P91,066,400.00 million ang itinaas ng yaman ni Gob. Tallado.

Sa kabuuan ay umaabot na sa halagang P190,419,261.00 million ang naipon na illegal na yaman ni Gob. Edgardo Tallado sa loob lamang ng dalawang (2) taon. Patunay ito nang pagiging multi-milyonaryo ni Gob. Tallado mula sa pagiging ordinaryong milyonaryo ng ito ay maupong Gobernador noong 2010. Wala pa sa mga SALN na ito ang 2016, 2017 at 2018 SALN ni Gob. Tallado.  

“HIGIT SA SALITA PAGPAPAYAMAN ANG GAWA!” Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw ng umalis ng Kapitolyo si Gob. Tallado sa kabila ng tapos na ang kanyang termino? (TheFENIXFiles)

See attached copies of 2010, 2011, 2013 and 2014 SALN:

2010 SALN:

EAT SALN 2010 PAGE1

EAT SALN 2010 PAGE2

EAT SALN 2010 ATTACHMENT

2011 SALN:

EAT SALN 2011 PAGE1

EAT SALN 2011 PAGE2

EAT SALN 2011 PAGE3

2013 SALN:

EAT SALN 2013 PAGE1

EAT SALN 2013 PAGE2

2014 SALN:

EAT SALN 2014 PAGE1

EAT SALN 2014 PAGE2

EAT SALN 2014 PAGE3

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s